Mga Anak Ni Willie Revillame, Ipinasilip Ang Loob Ng Kanyang Bonggang Yate

Inihayag ng aktres na si Meryll Soriano kung gaano siya ka-proud sa kaniyang ama na si Willie Revillame at sa tagumpay na mayroon ito ngayon...

Inihayag ng aktres na si Meryll Soriano kung gaano siya ka-proud sa kaniyang ama na si Willie Revillame at sa tagumpay na mayroon ito ngayon.

Sa part 2 ng kaniyang Father’s Day vlog na kuha sa Puerto Galera, nagbigay ng maiksing tour si Meryll t ang kanyang mga kapatid na sina Marimonte at Juamee sa yate na pagmamay-ari ni Willie. 

Sa naturang vlog, ipinakita ng magkakapatid ang iba't ibang parte ng yate katulad ng front deck, aft deck, cockpit, cabin, limang silid sa ilalim, at ang malaking master's bedroom.

Saad ni Marimonte,

"During our vacation, whenever we spend time with Papa, we stay here in the yacht just chilling and spending time together. Quality time. Kasi ‘di ba very busy si Papa. But he always makes sure that he has time for us, his children."

Dagdag ni Juamee,

"Unang-una dito, it’s [aft deck] another place to chill. Kasi the yacht’s all about chilling naman. It’s like a house naman on the water. So, actually, when we were going here from Manila Yacht Club, I was chilling here when we left. And yeah, it’s really cozy."

Noong pumasok na sa loob ng yate si Meryll at ang kaniyang mga kapatid, ibinahagi ng aktres na gusto ng kaniyang ama na palaging malinis ang kaniyang yate.

"Bawal ang mga madumi, bawal ang makalat. Importante, malinis. Dito, bawal kumain sa loob kaya may area for eating sa labas."

Ayon pa kay Meryll, madalas daw na ginaganap ang mga meetings ng kaniyang ama sa yate.

"May meetings din si Papa dito minsan. Kaya nga importante na lagi ‘tong malinis. Maganda dito nagbi-brainstorm sila ng team niya kaya importante na makita niyo kung saan nangyayari ang magic ng kanyang mga ideas. Tsaka dito siya nag-rerelax. Tahimik. Mauga lang."


Inihayag din ni Meryll kung gaano siya ka-proud sa kaniyang ama at sa mga achievements na mayroon ito ngayon.

"Nakaka-proud ho bilang isang anak na merong ganito ang Papa ko. Kasi si Papa nag-start ng drummer. So, galing siya talaga sa isang hindi naman ganitong klaseng buhay. Kaya bukod sa talagang nakaka-proud, nai-a-admire mo talaga because lahat ‘yun hard work."

Dagdag niya,

"Kaya minsan nahihiya ako kapag nagpapakita ako na nandito ako. Minsan ‘di ba parang minsan ayaw mong magmayabang. Pero ang totoo niyan, talaga namang nakaka-proud na meron siyang ganito."

Muli ding inalala ni Meryll ang hirap na mga pinagdaanan ng kaniyang ama bago nito marating ang tagumpay na mayroon ito ngayon.

Pagbabalik tanaw ni Meryll,

"Ang naalala ko nga ni pambili ng toothbrush wala siya eh. Tapos everytime na meron akong [pagsubok] sa buhay ko na parang nahihirapan ako, iniisip ko na lang, si Papa nahirapan pero nakarating dito sa ganitong posisyon na nabibili na niya lahat ng gusto niya, natutulungan niya ang maraming tao. Dun lalo lumalakas ‘yung loob ko."

Bukod sa yate, ipinakita din ni Meryll ang isang building na ngayon ay itinatayo pa kung saan plano umano ng kaniyang ama na gawin itong lugar kung saan maaaring makapag-stay ang mga guest sa kanilang resort.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Mga Anak Ni Willie Revillame, Ipinasilip Ang Loob Ng Kanyang Bonggang Yate
Mga Anak Ni Willie Revillame, Ipinasilip Ang Loob Ng Kanyang Bonggang Yate
https://1.bp.blogspot.com/-a_TIeyu7UFk/YOufs_h9uGI/AAAAAAADP0I/lKNVdQb6HvosdSLsBoJDNVLWqzWsxgWBwCLcBGAsYHQ/w640-h336/revillame%2Byacht.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-a_TIeyu7UFk/YOufs_h9uGI/AAAAAAADP0I/lKNVdQb6HvosdSLsBoJDNVLWqzWsxgWBwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/revillame%2Byacht.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/07/mga-anak-ni-willie-revillame-ipinasilip.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/07/mga-anak-ni-willie-revillame-ipinasilip.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy