Janella Salvador, Rumesbak Sa Mga Bashers Na Ginawang Katatawanan Ang Anak Na Si Baby Jude

Isang napaka hands-on mommy ng aktres na si Janella Salvador sa kaniyang cute at adorable baby boy na si Jude Trevor. Matapos aminin sa publ...

Isang napaka hands-on mommy ng aktres na si Janella Salvador sa kaniyang cute at adorable baby boy na si Jude Trevor.

Matapos aminin sa publiko ang tungkol sa kaniyang pagiging isang ganap na ina, hindi na nawalay pa si Janella sa piling ng kaniyang mahal na anak. Bilang isang ina, hindi matatawaran ang pagmamahal ni Janella para sa kaniyang anak. Handa niya itong ipagtanggol at protektahan sa abot ng kaniyang makakaya.

Sa panayam ng aktres sa Magandang Buhay nitong Hulyo 2, muling binalikan ni Janella kung paano niya sinagot ang mga netizens na nagbibigay ng negatibong komento sa kaniyang anak na noon ay limang buwang gulang pa lamang.

Matatandaan na noong buwan ng Abril lamang ngayon taong ay ginawang katatawanan ng ilang netizens ang anak ni Janella sa kasintahan nitong si Markus.

Bilang mga magulang ni Baby Jude, hindi nila hinayaan na batikusin o pagtawanan ang kanilang anak kaya labis ang proteksyon at pagtatanggol ang ginawa nila dito.

Ayon kay Janella, hindi niya alam ang mararamdaman niya noong makita na tila pinagkakatuwaan ang kaniyang anak.


Aniya,

"Actually, at first, yung reaction ko when I saw it was... Hindi ko alam yung mafi-feel ko, kasi parang, 'Ano ba ito? Joke ba ito?' Why would you joke about it? Yun yung una kong naging reaction. And then, eventually, parang na-realize ko, it's not right. Hindi tama."

Sinabi din niya na handa sila ni Markus na magsampa ng kaso sa mga bumabatikos sa kanilang anak para maturuan ang mga ito ng leksyon.

Dagdag ng aktres,

"Kailangan, kung sino man 'to, matutunan niya yung lesson niya kasi ako naman, sanay na ako sa pambabash."

Saad ng new mom, siya ay sanay na sa mga panghuhusga na natatanggap mula sa mga tao dahil sa kaniyang trabaho bilang artista ngunit kung ang anak na niya ang pag-uusapan, talagang lalaban siya para dito.

"Lahat naman tayo in the industry pero... if it's directd at me, sige, okay lang, dededmahin ko. Pero huwag naman sa anak ko na walang kamalay-malay. Kasi if he can't fight for himself, I'm gonna fight for him."

Magbibigay din ng legal action ang talent management na humahawak kay Janella at Markus laban sa sinuman na magbabato ng mga negatibo at hindi magandang salita kay baby Jude.

Nagpasalamata naman si Janella sa kasintahan na si Markus sa pagiging mapagmahal at responsableng ama nito kay baby Jude. Saad ng aktres ay napaka-hands on dad ni Markus sa kanilang anak.


Saad niya, "Ever since from the start, he was there ready to help and ready to learn so many new things as a dad. Yung talagang eager siya to learn how to become a good dad."

Dagdag pa ni Janella,

"Alam niyo yung basta-basta lang nandiyan siya, you know, nakatayo lang siya... gusto niya yung marunong siya magpalit ng diaper, marunong siya sa lahat."

Matatandaan na naging opisyal ang relasyon nina Janella at Markus noong 2019. Noong Hunyo 2020 naman ay napabalita ang pagdadalang tao ni Janella kaya ito ay biglang nawala at pumunta sa ibang bansa.

Noong Oktubre 2020 ay kinumpirma sa ulat ng Pep.ph na isinilang na ni Janella ang isang malusog na baby boy.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Janella Salvador, Rumesbak Sa Mga Bashers Na Ginawang Katatawanan Ang Anak Na Si Baby Jude
Janella Salvador, Rumesbak Sa Mga Bashers Na Ginawang Katatawanan Ang Anak Na Si Baby Jude
https://1.bp.blogspot.com/-YaVJ34ZMRQs/YPU8yh2OZrI/AAAAAAADQK8/vTsr7sUE9uoU-T833kTxup8k7DzTzKqWgCLcBGAsYHQ/w640-h336/janella%2Blucas.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-YaVJ34ZMRQs/YPU8yh2OZrI/AAAAAAADQK8/vTsr7sUE9uoU-T833kTxup8k7DzTzKqWgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/janella%2Blucas.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/07/janella-salvador-rumesbak-sa-mga.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/07/janella-salvador-rumesbak-sa-mga.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy