Isang Street Vendor, Pinagkakaguluhan Ngayon Matapos Mapansin Na Kamukha Siya Ng Korean Actor Na Si Lee Min-Ho

Hindi maitatangging ang popularidad ng Korean soap opera at music ay umabot na sa iba’t ibang bansa, kung kaya naman hindi na nakapagtataka ...

Hindi maitatangging ang popularidad ng Korean soap opera at music ay umabot na sa iba’t ibang bansa, kung kaya naman hindi na nakapagtataka pang ang iba pang mga bansa sa Asya at ang mga tao rito ay halos mga taga-hanga ng maraming Korean celebrities at K-Pop Idols at Groups.

Isa na dito ay ang sobrang sikat na Korean actor ngayon na si Lee Min Ho na mas nakilala sa koreanovelang 'Boys Over Flowers', na adaptation ng Meteor Garden Ng Taiwan.

At dahil dito, may mga ordinaryong tao na tila naging celebrity na rin dahil na rin sa mga pagkakahawig ng mga ito sa ilang Korean stars. Isa na nga rito si Doddy Angga Andrianto, isang street vendor sa Samarinda, East Kalimantan, Indonesia.

Kamakailan lamang, pinag-usapan sa social media si Doddy matapos magbahagi ng isang netizen ng litrato niya na nagtitinda sa kaniyang tindahan. Inakala raw ng naturang customer na siya si Lee Min-Ho sa unang tingin sapagkat malaki raw ang kaniyang pagkakahawig sa Korean actor.

Marami naman ang sumang-ayon sa pahayag na ito ng netizen at nagsipuntahan na nga sa tindahan ni Doddy, upang makita ito sa personal at makapagpalitrato.

Hindi rin pinalampas ng iba na ayain siya sa isang date o kaya naman subukang hawakan ang kaniyang kamay, ngunit nanatili namang propesyonal ang lalaki rito.


Inamin din ni Doddy na hindi niya inaasahan na magiging kilala siya, lalo na sa mga dalagang bumibisita sa kaniyang pwesto. Sinabi rin niyang maganda rin ang nangyaring ito para sa kanilang negosyo dahil nga bukod sa pagnanais na makakuha ng larawan kasama ang tila Korean-actor na lalaki, bumibili din daw ang mga babaeng ito ang kanilang mga paninda.

Gayon pa man, wala raw interes si Doddy sa pagiging popular. Ibinahagi rin niya ang kaniyang karanasan noong siya ay nag-aaral pa.

Madalas daw sabihin ng kaniyang mga kaklase na kamukha niya ang Hong Kong actor na si Andy Lau o kaya naman ang Super Junior member na si Choi Siwon, gayundin sa Indonesiian host na si Boy William. Nito-nito nga lamang nang siya ay maihambing kay Lee Min-Ho.


Si Doddy ay nakapagtapos sa Mulawarman University at pagkatapos niyon, nakahanap ng trabaho bilang telecommunication operator ngunit kalaunan ay nagdesisyon siyang tulungan na lamang ang ina sa pagbebenta ng street food upang makapagpahinga na rin ito, dahil naaawa siya ritong mag-isang nagtitinda.

Samantala, lumaki man daw ang kaniyang’fanbase’ wala raw siyang plano na tumigil sa pagtitinda ng street food.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Street Vendor, Pinagkakaguluhan Ngayon Matapos Mapansin Na Kamukha Siya Ng Korean Actor Na Si Lee Min-Ho
Isang Street Vendor, Pinagkakaguluhan Ngayon Matapos Mapansin Na Kamukha Siya Ng Korean Actor Na Si Lee Min-Ho
https://1.bp.blogspot.com/-zFnG0r2uC1E/YPDOwlaiWlI/AAAAAAADQB4/oXaKahFTGeQ6GgQO1IirsWaGb4avfYuBwCLcBGAsYHQ/w640-h336/leeminho%2Blook.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-zFnG0r2uC1E/YPDOwlaiWlI/AAAAAAADQB4/oXaKahFTGeQ6GgQO1IirsWaGb4avfYuBwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/leeminho%2Blook.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/07/isang-street-vendor-pinagkakaguluhan.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/07/isang-street-vendor-pinagkakaguluhan.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy