Ellen Adarna, Ibinahagi Ang Kaniyang Throwback Pictures Noong Ipinagbubuntis Pa Niya Ang Anak Na Si Elias

  Si Ellen Adarna ay isa sa mga kilala at kontrobersyal na aktres ngayon sa Philippine showbiz industry. Sa kaniyang taglay na kagandahan, m...

 

Si Ellen Adarna ay isa sa mga kilala at kontrobersyal na aktres ngayon sa Philippine showbiz industry. Sa kaniyang taglay na kagandahan, magandang hubog ng katawan, at husay sa pag-arte, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga sa kaniya.

Gayunpaman, marami ang hindi mapigilan na magtaka kung ano nga ba ang hitsura ng aktres noong ipinagbubuntis niya ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa kaniyang Instagram stories nitong Martes, ibinahagi ni Ellen ang kaniyang larawan kung saan makikita ang kaniyang baby bump bilang tugon sa tanong ng kaniyang mga tagahanga sa kaniyang Q&A session na nais masilayan ang kaniyang hitsura noong buntis pa lamang siya kay Elias.

Caption ni Ellen,

"Whale whale whale. What do we have here."

Makikita na kahit pa man buntis at malaki na ang tiyan, makikita pa din ang magandang mukha ni Ellen.

Matatandaan na isinilang ni Ellen noong Hunyo 27, 2001 ang panganay na anak nila ni John Lloyd na si Elias. Kamakailan lamang din ay ipinagdiwang ni Elias ang kaniyang ika-3 kaarawan kung saan may hiwalay na sorpresa sina Ellen at John Lloyd para sa anak.

Taong 2017 nang napabalita ang tungkol sa relasyon nina Ellen at John Lloyd. Gayunpaman, ang kanilang matamis at masayang pagmamahalan ay natapos noong 2019.

Ngunit kahit hiwalay na ay may co-parenting setup pa din ang dalawa upang mapalaki ng maayos ang kanilang anak. Hindi naman nagkukulang ang aktor na gampanan niya ang kaniyang tungkulin bilang isang ama kay Elias.


Sa panayam ni GR San Diego kay John Lloyd para sa Mega Magazine, sinabi ng aktor na nais nilang maging isang mabuting magulang kay Elias kaya ginagawa nila ang lahat ng makakaya para maibigay at mapunan ang lahat para sa anak kahit sila ay hiwalay na. 

Aniya,

"Hindi siya ganun kadali. Parang pang pelikula lang pala 'yung nalaman mo parang, 'Maging tatay na ako!' Para sa akin hindi... to each its own. Baka naman sa iba, totoo 'yun and you can never tell kung 'yun ay totoo o hindi. Okay yan, 'yung nangyari sayo. Pero para sa akin.. We wanted it eh. Alam naman na namin na it was going to happen."

Para kay Ellen, si John Lloyd ay isang mapagmahal at mabuting ama para sa kanilang anak. Sa ngayon ay nasa pangangalaga ni Ellen si Elias at kinukuha lamang ito ni John Lloyd kapag siya ay may bakanteng oras para makabonding at makasama ito.

Si Ellen ay masaya na ngayon sa piling ng kaniyang fiancee na si Derek Ramsay.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Ellen Adarna, Ibinahagi Ang Kaniyang Throwback Pictures Noong Ipinagbubuntis Pa Niya Ang Anak Na Si Elias
Ellen Adarna, Ibinahagi Ang Kaniyang Throwback Pictures Noong Ipinagbubuntis Pa Niya Ang Anak Na Si Elias
https://1.bp.blogspot.com/-MRUY5oVlb6E/YPU8F2eqqXI/AAAAAAADQK0/TKTrBmUnHOIKbN_VTQki6H_i_7Q_kW97gCLcBGAsYHQ/w640-h336/ellen%2Bpreggy%2Bmoments.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-MRUY5oVlb6E/YPU8F2eqqXI/AAAAAAADQK0/TKTrBmUnHOIKbN_VTQki6H_i_7Q_kW97gCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/ellen%2Bpreggy%2Bmoments.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/07/ellen-adarna-ibinahagi-ang-kaniyang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/07/ellen-adarna-ibinahagi-ang-kaniyang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy