Isang Groom, Mas Ginustong Maging Ala-Bride Sa Pre-Nup Photoshoot Ng Kanilang Kasal

Benta sa socimed ngayon ang post ng isang bride kung saan makikita ang kaniyang partner, ang groom, na tila isang bride sa photoshoot nito k...

Benta sa socimed ngayon ang post ng isang bride kung saan makikita ang kaniyang partner, ang groom, na tila isang bride sa photoshoot nito kasama ang nga groomsmen.

Kinilala ang bride na nagpost ng mga litratong ito na si Sah Jimenez at si Ronnel Binuya naman ang kaniyang mapapangasawa, na siya ngang game na game sa "bridal shoot".

Ayon sa post ni Sah, si Ronnel daw talaga ang may gustong gawin ang shoot na ito at walang sapilitan na nangyari.

Makikita sa mga larawang ibinahagi sa socmed ni Sah, na nag-ala-bride, imbis na groom sa kaniyang wedding photoshoot si Ronnel.

Kasama ang kaniyang mga groomsmen, na tila naman naging mga 'bridesmaid', at mga naka-roba pa na silk-satin kasama din si Ronnel, na naiiba nga lamang ang kulay ng roba; puti ang kay Ronnel samantalang sage green naman ang sa mga groomsmen.

"GROOM NA PANGARAP MAGING BRIDE [Laughing with tears emoji]," ayon kay Sah sa naturang post.

"Ako lang ba yung may asawang ganito? Pati mga groomsman niya nadamay sa mga bet nyang shoot HAHAHAHAHA [Girl facepalm emoji] Please sabihin niyo hindi lang ako!!!! [Two laughing with tears emoji]

"Tawang tawa rin ako sa SDE [laughing with tears emoji] Talagang ginalingan nya!! Pangarap nya raw kasing maging bride. [Laughing with tears emoji] Nagulat ako sa mga eksena nya hahaha. Bida bida!!  [Laughing with tears emoji, girl face palm emoji] Magaling pa sakin mag pose pose hahaha [Two girl facepalm emoji] Parang nahiya na ako ipost mga pictures namin, may nanalo na eh hahaha [girl facepalm emoji]"

Sa mga litrato ngang kalakip ng post ay makikita ang groom na may hawak na palumpon ng mga bulaklak, na orihinal na bouquet ng bride.


Mayroon ding larawan kung saan ginagawa ng mga groomsmen nito ang tradisyonal na pagtatapon ng veil sa ulo nang siyang ikakasal.

Ayon pa nga sa bride, daig pa raw siya nito sapagkat hindi raw nila nagawa ng kaniyang mga bridesmaid ang eksenang ito. Lahat din daw ng dapat na gagawin sa kaniya sa shoot ay sa groom daw ginawa.

Ibinahagi rin ng bride ang 'paninita' raw sa kaniya ng kaniyang groom tungkol sa kulay ng roba nito sa naturang shoot. 


"So ito na nga, nilabhan ko itong mga robe na sage green para sa bridesmaids ko, then nakita niya sinasampay ko. Bigla syang lumapit sakin, tas sabi niya with a very disappointed face, 'Ay puro ganyan kulay? Akala ko naman naiiba ako' Hahaha wag ka mag alala, suportado kita naiorder kita sa shopee ng puting robe! [Three face with rolling eyes emoji]"Sabi ni Sah.

Marami naman ang natuwang mga netizens sa post na ito ni Sah. Kani-kanila ring komento ang mga ito sa post ni Sah.

Sa ngayon nga, sa oras ng pagsulat nito, mayroon nang 16k reactions, 3.7k comments at 8.1k shares ang post na ito ni Sah.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Groom, Mas Ginustong Maging Ala-Bride Sa Pre-Nup Photoshoot Ng Kanilang Kasal
Isang Groom, Mas Ginustong Maging Ala-Bride Sa Pre-Nup Photoshoot Ng Kanilang Kasal
https://1.bp.blogspot.com/-8ZkximpYZ44/YMgAdlzg5iI/AAAAAAADJDg/mXXC57GYeNkWPaAuKTgV229KColsc93CgCLcBGAsYHQ/w640-h336/groom%2Blike%2Bbride.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-8ZkximpYZ44/YMgAdlzg5iI/AAAAAAADJDg/mXXC57GYeNkWPaAuKTgV229KColsc93CgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/groom%2Blike%2Bbride.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/06/isang-groom-mas-ginustong-maging-ala.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/06/isang-groom-mas-ginustong-maging-ala.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy