Dennis Padilla, Isiniwalat Ang Pag-Uusap Noon Nila Ni Gerald Anderson Patungkol Kina Bea Alonzo At Julia Barretto

Ibinunyag ni Dennis Padilla na kinausap niya raw si Gerald Anderson sa kumakalat na isyu noong July 2019, kung saan sangkot ang kaniyang ana...

Ibinunyag ni Dennis Padilla na kinausap niya raw si Gerald Anderson sa kumakalat na isyu noong July 2019, kung saan sangkot ang kaniyang anak na si Julia Barretto at ang dating nobya ni Gerald na si Bea Alonzo, sa YouTube vlog ni Ogie Diaz nito lamang Huwebes, ika-4 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Noong maghiwalay sina Gerald at Bea, hindi maitatangging naging malaking kontrobersiya ito kung saan nadawit din si Julia bilang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Lubhang naapektuhan daw si Dennis dahil dito, pag-amin nito sa naturang vlog. Si Julia ay anak ni Dennis sa dati nitong asawa na si Marjorie Barretto.

Ayon kay Dennis, kinompronta niya raw si Gerald noon upang malinawan siya sa totoong nangyari.

“Natanong ko si Gerald noon kung ‘Syota mo ba si Bea?’ Ang sabi niya, ‘Hindi’.

“Sabi ko, ‘Okay, para wag naman lumabas na kontrabida yung anak ko.’

“Tapos sabi ko, ‘Sana ipagtanggol mo in public.’ Sabi niya, ‘Sige, tomorrow, Tito Dennis, magbibigay ako ng interview.”

Ngunit hindi naman na raw natuloy ang planong paglilinaw ni Gerald sa isyu.

Sabi ni Dennis, “Pero hindi natuloy the next day dahil they were waiting for Mariole who’s coming from the States. Parang ang gusto nila, pagdating ni Mariole, doon… Hindi ko alam bakit hindi natuloy iyong interview na iyon.”

Dahil nga pare-parehong Star Magic artists sina Gerald, Bea at Julia noong panahong iyon, kinakailangan muna nilang hintayin ang desisyon ng head ng Star Magic na si Mariole Alberto.

Ngunit noong ika-26 ng Hulyo, 2019, nakorner ng internal media ng ABS-CBN si Bea. Inihayag dito ng aktres na wala umano silang pormal na hiwalayan ng dating nobyo na si Gerald.

Napanood daw ni Dennis ang hindi inaasahang panayam sa aktres. “And then, nung gabi na iyon, doon na-ambush interview si Bea. ‘Ay hindi ko alam na wala na kami. Basta hindi na lang siya tumawag, chuchuchu.’Eh, nanonood ako noon. Sabi ko, ‘Ay magsyota pa ito’.”

Bilang ama ni Julia, hindi raw maiwasang makaramdam ni Dennis ng galit kay Gerald.

“Kasi siyempre, feeling ko tinu-two-time mo anak ko. E, siyempre siguro nabigla din ako,” sabi ni Dennis.

Kung kaya naman nakapagbitaw ng mga salita si Dennis laban kay Gerald, na tila hindi naman nagustuhan ng anak na si Julia.

“Feeling ni Julia, ‘Papa naman nag-react ka agad, e. Di mo naman alam ang tunay na istorya.’ Parang ganun,” pagbabahagi ni Dennis.

Nito nga lamang ika-5 ng Marso, umamin na sina Julia at Gerald na magkasintahan sila. Tanggap naman daw ito ng ama ni Julia sapagkat 24 na taong gulang naman na raw ito at kaniya na lamang susuportahan.

Sa isang vlog ni Julia noong ika-1 ng Mayo, humingi ng paumanhin si Dennis sa kung anuman ang kaniyang nasabi sa nobyo ng anak.

Kung sakali rin daw na magkaroon sila ng pagkakataong mag-usap ni Gerald ay ayos daw para sa kaniya. Malaking bagay din daw iyon sapagkat isa itong respeto sa ama nang kaniyang minamahal.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,335,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,449,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Dennis Padilla, Isiniwalat Ang Pag-Uusap Noon Nila Ni Gerald Anderson Patungkol Kina Bea Alonzo At Julia Barretto
Dennis Padilla, Isiniwalat Ang Pag-Uusap Noon Nila Ni Gerald Anderson Patungkol Kina Bea Alonzo At Julia Barretto
https://1.bp.blogspot.com/-fE29l2KQ1yo/YL2MH7VvtbI/AAAAAAADGS0/QKWEzeLGJK84lXW3HUfzcWVSwwII_DqTwCLcBGAsYHQ/w640-h336/geraldbeajulia.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-fE29l2KQ1yo/YL2MH7VvtbI/AAAAAAADGS0/QKWEzeLGJK84lXW3HUfzcWVSwwII_DqTwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/geraldbeajulia.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/06/dennis-padilla-isiniwalat-ang-pag-uusap.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/06/dennis-padilla-isiniwalat-ang-pag-uusap.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy