3 Bigating Kapamilya Stars, Pinaghihinalaang Lilipat Sa GMA-7

Umuugong ang usap-usapan sa posibleng paglipat ng mga Kapamilya Stars na sina Pokwang, Beauty Gonzales at Ejay Falcon sa GMA network matapos...

Umuugong ang usap-usapan sa posibleng paglipat ng mga Kapamilya Stars na sina Pokwang, Beauty Gonzales at Ejay Falcon sa GMA network matapos mapabalitang mayroong mga inaabangang kani-kanilang palabas sa naturang network.

Nagsimula ito sa post ni Pokwang, na naka-finger heart, na kuha sa GMA-7 noong Miyerkules, Hunyo 2, kung saan nag-comment pa nga ang Kapuso actress na si Carla Abellana na wini-welcome siya.

Mayroon ding isang kuha ng litrato si Pokwang kasama ang isa pang aktres ng GMA na si Katrina Halili, sa isang taping noong araw ding iyon.

Ayon sa mga nasagap na balita, nag-guest si Pokwang sa isang Kapuso Comedy Show, at mayroon din siyang nakatakdang taping sa isang weekly drama anthology, ngunit hindi pa ito lubos na napapatotohanan.

Noon lamang ika-20 ng Hunyo, taong 2020, naglaro na rin si Pokwang sa segment ng programang Eat Bulaga na 'Bawal Judgmental' bago nagkaroon pa ng dalawang programa sa TV5, ang 'Fill in the Bank' at 'Chika, BESH!'

Bukod kay Pokwang, usap-usapan na ding makakasama si Beauty Gonzales sa isang drama series ng GMA, ngunit hindi pa rin ito nakukumpirma.

Gayundin si Ejay Falcon na magiging bahagi naman umano ng isang afternoon drama ng GMA-7, na hindi pa rin tinutugunan ng manager nitong si Perry Lasingan. Ngunit, hindi naman daw network contract ang inalok kay Ejay kundi isang TV project lamang sa network na iyon.

Kung totoo man ito, hindi ito ang magiging unang beses na magtatrabaho si Ejay sa ibang estasyon, dahil noo'y natampok na rin siya sa mga palabas ng TV5 na Christmaseryeng 'Paano Ang Pasko?' (na ang season 2 ay 'Paano Ang Pangako?'), kung saan nakasama niya rin si Beauty Gonzales.

Noong 2018, mayroon na ring kumalat na mga haka-hakang lilipat na nga ang aktres na si Beauty sa Kapuso Network matapos ang seryeng 'Pusong Ligaw' at nang mag-guest din ito sa 'Celebrity Bluff'. 

Ngunit, ilang buwan nga lamang matapos ito, nagbida naman na si Beauty sa isang palabas ng ABS-CBN na 'Kadenang Ginto' kasama sina Dimples Romana, Francine Diaz, Andrea Brillantes at iba pa.

Sa ngayon nga'y naghihintay pa rin ng kumpirmasyon ang madla mula sa mga ito.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,335,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,449,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 3 Bigating Kapamilya Stars, Pinaghihinalaang Lilipat Sa GMA-7
3 Bigating Kapamilya Stars, Pinaghihinalaang Lilipat Sa GMA-7
https://1.bp.blogspot.com/-29PxS0IcXZ0/YL2MKbWPQxI/AAAAAAADGS4/go31SJ9seZg8RNjoc520j0slecuOGUq-ACLcBGAsYHQ/w640-h336/kapamilya%2Btransfer.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-29PxS0IcXZ0/YL2MKbWPQxI/AAAAAAADGS4/go31SJ9seZg8RNjoc520j0slecuOGUq-ACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/kapamilya%2Btransfer.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/06/3-bigating-kapamilya-stars.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/06/3-bigating-kapamilya-stars.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy