Ryan Bang, Ibinahagi Na Kapag 'Depress' Ang Ina Ay May Ginagawa Siya Na Makakapagpawala Ng Narararamdaman Nito

Sino nga  ba naman ang hindi nakakakilala kay Bang Hyun-sung o mas kilala bilang “Ryan Bang”. Ito ay sumikat sa palabas na reality TV show n...

Sino nga  ba naman ang hindi nakakakilala kay Bang Hyun-sung o mas kilala bilang “Ryan Bang”. Ito ay sumikat sa palabas na reality TV show na Pinoy Big Brother kung saan ay nanalo bilang runner-up. At mas nakilala pa ito noong lumabas sa programa ng It’s Showtime at ngayon ay kilalang-kilala na sa galing nito sa pagpapatawa.

Bukod sa galing nito na magpatawa, hindi alam ng karamihan na si Ryan Bang ay isa ding mabait at napaka mapagmahal na anak sa kanyang magulang.

Bagama’t madalas na makitang masaya at nakangiti sa telebisyon ay nakakaranas din ng matinding kalungkutan ang aktor.


Si Ryan Bang kasi ay nag-iisang anak lamang ng kanyang ina na nakatira sa South Korea. Ang ina nito ang mag isang nagtaguyod sa kanilang pamilya at ito lamang ang magulang na nakagisnan ng aktor habang ito ay lumalaki.

Kaya naman sa Zoom prescon ng kanyang bagong pelikula na may pamagat na “Mommy Issues”, hindi napigilan ng aktor na ibahagi ang istorya ng kanyang ina.


Ayon sa kanya, ang kanyang nanay ay isa din “single mom” at bagama’t malayo ito ay hindi niya ito nakakalimutan at hindi nakakaligtaan na iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.

“Yung tunay na mommy ko sa Korea, single din siya, single mom.”

Ibinahagi din ng aktor na nahirapan itong tanggapin noong nagkaroon ng boyfried ang kanyang ina. At ng dumating naman sa punto na tanggap na niya ito ay saka naman naghiwalay ang mga ito.


“Nung meron na siyang boyfriend, nahirapan ako magtanggap. Kasi parang, ‘Mommy, may boyfriend ka na, tapos paano yung daddy?’ Pero at the end of the day, naintindihan ko siya kasi mabait pa rin yung nanay ko. Kailangan pa rin may lambing, hindi lang ng anak, yung lambing ng ano… pag-ibig kasi babae pa rin yung puso niya. So, naiintindihan ko tanggap ko na.”Nung panahon na natanggap ko na yung boyfriend ng nanay ko, naghiwalay sila. Ganoon yung istorya.”

Dagdag pa dito, bagama’t may mga kinaharap din ang aktor na suliranin ay hindi nito nakakalimutan magpadala sa kanyang ina. Hindi ito pumapalya sa pagpapadala ayon sa kanyang kaibigan.

Kwento pa ng aktor, kung minsan nga raw ay tumatawag sakanya ang kangyang ina sa tuwing ito ay nalulungkot at nade-depress. Kung saan ay sinasabi nito na nalulungkot ito dahil raw sa wala ng pang-ulam.

“Deposit po… deposit!. Hindi na mahalaga yung amount, alam din naman ng nanay ko sa Korea na siyempre, lahat naman tayo may pinagdadaanan. Kaya yung mommy ko minsan, kung kailangan niya ng pera, hindi naman humihingi sa akin. Kaya lang tumatawag sa akin, ‘Anak, nade-depress ako. Mag-isa lang ako dito. Nalulungkot ako. Parang wala na akong pang-ulam.”

“Ibig sabihin, alam na. Alam na ng anak. Ibig sabihin, kailangan ng gamot ng nanay. Ang gamot ng nanay ko ay deposit.”

Nilinaw ng aktor na kahit kaylan ay hindi tumatawag ang kanyang ina para manghingi ng pera kahit dumadating sa punto at pagkakataon na kailangan na kailangan na ito.

Tunay ngang masasabi na ang pagpapala na natatanggap ng aktor ay dahil na din sa pagiging mabait nitong anak sa kanyang ina. Nawa’y marami pa ang katulad ni Ryan Bang na sakabila ng mga kinakaharap sa buhay ay hindi nakakalimutan magbigay ng pagmamahal sa kanyang ina.


COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,335,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,449,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Ryan Bang, Ibinahagi Na Kapag 'Depress' Ang Ina Ay May Ginagawa Siya Na Makakapagpawala Ng Narararamdaman Nito
Ryan Bang, Ibinahagi Na Kapag 'Depress' Ang Ina Ay May Ginagawa Siya Na Makakapagpawala Ng Narararamdaman Nito
https://1.bp.blogspot.com/-w_YmmP7Mw4I/YJSjBX965OI/AAAAAAADBOU/jc_-okxftgE05dAm_6NgzXiayJ1B-WpcACLcBGAsYHQ/w640-h336/ryan%2Bmom%2Bdeposit.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-w_YmmP7Mw4I/YJSjBX965OI/AAAAAAADBOU/jc_-okxftgE05dAm_6NgzXiayJ1B-WpcACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/ryan%2Bmom%2Bdeposit.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/ryan-bang-ibinahagi-na-kapag-depress.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/ryan-bang-ibinahagi-na-kapag-depress.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy