Rabiya Mateo, Ginulantang Ang Madla Sa Kanyang 'Bagong Gupit'

Ginulat ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang kaniyang mga taga-hanga matapos niyang magpost sa Instagram ng litrato kung saan ...

Ginulat ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang kaniyang mga taga-hanga matapos niyang magpost sa Instagram ng litrato kung saan makikita ang dalaga na higit na mas maikli ang buhok kaysa dati, nito lamang Lunes, ika-24 ng Mayo, taong kasalukuyan.

Ngunit bago pa man pag-usapan ang “bagong estilo” ng buhok na ito ni Rabiya, agad niyang binawi at sinabing nagbibiro lamang siya, na hindi talaga niya ipinaputol ang mahabang buhok.

“nah just bluffing,” saad ni Rabiya matapos ang ibinahaging litrato na nanwindang sa mga tao.

Marami rin sa kaniyang mga kapwa-beauty queens ang nagkumento sa post niyang ito.

Katulad na lamang ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. “You got me [wow and face with tears of joy emoji],” sabi nito.

Inakala naman ni Miss Supranational Philippines 2013 Mutya Datul na si Liza Soberano ang kaniyang nakita sa litrato ni Rabiya kung saan maikli ang kaniyang buhok.

“Charotera [Relieved emoji],” biro naman ng Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Kumento naman ni Miss Universe Philipines 4th runner-up Billie Hakenson, “anong trip mo boy???”.

Sabi naman ni Miss Universe Japan Aisha Harumi Tochigi, ang roommate ni Rabiya noong kasagsagan ng 69th Miss Universe pageant, “I LOVE IT [face with heart eyes emoji and two red hearts emoji].”


Inakala ng mga taga-subaybay ni Rabiya na nagpagupit nga ito. Bagay naman daw sa dalaga ang gupit niyang ito ngunit hindi pa rin napigilan ng karamihan na magduda kung nagpagupit nga ba ito ng buhok. Lingid sa kanilang kaalaman, “wig” lamang pala ito.

“Don’t worry. It’s just wig.”sabi ni Rabiya sa kaniyang Instagram story kalakip ang kaniyang larawan. Pinatotohanan naman ito ng dalaga sapagkat makikitang mahaba ang kaniyang buhok sa larawan.

Isang linggo na nga ang nakalipas nang lumahok si Rabiya sa 69th Miss Universe competition kung saan nakapasok ito sa Top 21. Samantalang ang kinoronahan namang Miss Universe 2020 ay si Andrea Meza ng Mexico.


Matapos nga ang nasabing paligsahan, napagdesisyunan ni Rabiya na mag-travel muna at sa ngayon nga’y nasa Amerika ito.

Sa buwan ng Hulyo, inaasahang magbabalik bansa na si Rabiya, na pinaghahandaan naman ng siyudad ng Iloilo sa pamamagitan nang engrandeng homecoming party para sa kanilang “reyna”.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Rabiya Mateo, Ginulantang Ang Madla Sa Kanyang 'Bagong Gupit'
Rabiya Mateo, Ginulantang Ang Madla Sa Kanyang 'Bagong Gupit'
https://1.bp.blogspot.com/-wFDZ8VxlR6M/YK367dX5u7I/AAAAAAADFxM/uhy9CCO6XN8r_kFRpG6rIIulRRjtdca0ACLcBGAsYHQ/w640-h336/rabiya%2Bwig%2Bhair.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-wFDZ8VxlR6M/YK367dX5u7I/AAAAAAADFxM/uhy9CCO6XN8r_kFRpG6rIIulRRjtdca0ACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/rabiya%2Bwig%2Bhair.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/rabiya-mateo-ginulantang-ang-madla-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/rabiya-mateo-ginulantang-ang-madla-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy