Pia Wurtzbach, Nagbigay Ng Saloobin Sa Mga Nagsabi Na 'Luto' Daw Ang Ginanap Na Miss Universe 2020 Pageant

Pinaalalahanan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang publiko ukol sa mga reklamo at protesta ng mga ito sa resulta nang katatapos lamang n...

Pinaalalahanan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang publiko ukol sa mga reklamo at protesta ng mga ito sa resulta nang katatapos lamang na 69th Miss Universe Competition.

Sa nasabing kompetisyon nga, kinoronahan bilang Miss Universe 2020 ang pambato ng Mexico na si Andrea Meza.

Habang ang iba namang nakasama sa Top 5 ay sina Julia Gama ng Brazil (first runner-up), pambato ng Peru na si Janick Maceta (second runner-up), Adline Castelino ng India (third runner-up) at Kimberly Jimenez ng Dominican Republic.


Marami ang mayroong opinion sa seleksyong ito ng Top 5. Naroong halos latina raw ang natirang mga kandidata  dahil pawang mga latina rin ang mga hurado at mayroon pa raw iba pang karapat-dapat na tangahalin sa Top 5.

Ngunit ang walong miyembro ng all-female panel of judges ng naturang pageant ay mga nakabase sa US ang karamihan. Dalawa sa mga ito ay may lahing Latina, isang Canadian, isang Hawaiian, isang Korean-American, isang South Asian at dalawang American.

Inihayag naman ni Pia ang kaniyang masasabi ukol sa isyung ito sa kaniyang Queentuhan YouTube vlog noong May 18 kasama sina Bb. Pilipinas-International 2014 Bianca Guidotti at Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizardo.

“Sana maging sport tayo. Kasi I read some comments na ‘binili’ daw, dahil ‘madaming Latina sa judges’. Huwag natin i-doubt yang organization. Kasi wala nang manonood ng Miss Universe kung luto ito.”

Sinabi rin ni Pia na respetuhin na lamang ang naging desisyon ng mga hurado.

“Let’s shake hands and meant it- congratulations, you know- and accept defeat,”dagdag pa nito.

Pinaalalahanan din ni Pia ang mga nang-ba-bash na –pageant fans mula sa iba’t ibang bansa ukol sa tunay na diwa ng Miss Universe pageant at tanggalin na ang pagiging ‘toxic’ ukol dito.

“Ang message ng Miss Universe is magsama-sama, yung acceptance kahit magkakaiba kayo ng mga pinanggalingan. Ang pangit na yung audience, sila yung complete opposite. Watak-watak lahat. Everybody’s fighting, pulling each other down, countries throwing jabs at each other.”

Naiintindihan din naman daw ni Pia ang sentimyento ng mga fans sa kanilang mga pambato na hindi nagwagi, dahil siya rin ay nanghinayang umano nang hindi mapabilang si Rabiya Mateo, ang pambato ng Pilipinas, sa Top 10 finalists.

Nakaramdam daw si Pia ng kirot sa puso nang hindi maiuwi ni Rabiya ang korona. Ngunit hindi naman ito naging hadlang upang matanggap niya ang nanalong Miss Universe na si Andrea Meza ng Mexico at buong puso pa ang pagbati niya rito.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Pia Wurtzbach, Nagbigay Ng Saloobin Sa Mga Nagsabi Na 'Luto' Daw Ang Ginanap Na Miss Universe 2020 Pageant
Pia Wurtzbach, Nagbigay Ng Saloobin Sa Mga Nagsabi Na 'Luto' Daw Ang Ginanap Na Miss Universe 2020 Pageant
https://1.bp.blogspot.com/-iAqN2HC0mbM/YKoTVQMv8mI/AAAAAAADFsY/3pZG7W9E4a05PdYdQv3vKHY0j5R7QYZbwCLcBGAsYHQ/w640-h336/pia%2Bmiss%2Buniverse.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-iAqN2HC0mbM/YKoTVQMv8mI/AAAAAAADFsY/3pZG7W9E4a05PdYdQv3vKHY0j5R7QYZbwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/pia%2Bmiss%2Buniverse.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/pia-wurtzbach-nagbigay-ng-saloobin-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/pia-wurtzbach-nagbigay-ng-saloobin-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy