PGT Finalist Na Si Mark Joven, Nahuli Sa Isang Buy-Bust Operation

Inaresto ng mga pulisya si Mark Joven Olvido, sa salang pagbebenta ng ilegal na droga, sa isang buy-bust operation, ngayong araw, ika-14 ng ...

Inaresto ng mga pulisya si Mark Joven Olvido, sa salang pagbebenta ng ilegal na droga, sa isang buy-bust operation, ngayong araw, ika-14 ng Mayo, alas-dos ng hapon, sa Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna.

Nakilala ng publiko si Olvido bilang “Vape Master”sa defunct ABS-CBN reality franchise show na Pilipinas Got Talent Season 6 at kaniyang nasungkit ang titulong third runner-up.

Bago sumali sa Pilipinas Got Talent Season 6 si Olvido, taong 2018, nagtatrabaho ito bilang  isang tricycle driver. Dahil sa pagsali sa kumpetisyong ito, nagkaroong ng showbiz career si Olvido at nagsunod-sunod na ang kanyang mga TV guestings at mga pelikula, gaya ng 3Pol Trobol, Unli Life (2018) at Huli ka Balbon (2019).


Noong 2018 naman, naging parte rin si Olvido ng FPJ’s Ang Probinsyano bilang isa sa mga kaibigan ni Cardo Dalisay, ang pulis na ginagampanan ni Coco Martin.

Ngunit nito lamang, nahuli si Olvido sa buy-bust operation ng Elements of DEU/PIU District na pinangungunahan ni P/Lt. Henry Sasaluyam at ng anim pang kasamahan nito sa ilalim naman ng direct supervision ni P/Lt.Col. Arvin Avelino na hepe ng Police Intelligence Unit (PIU).

Samantala, ang mga tauhan ng Sta. Cruz Municipal Police Station at mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement (PDEA) ng Region 4 ang dumakip kay Olvido.

Nakuha mula sa mga kamay nito ang tatlong pakete ng shabu at marked buy-bust money mula sa pinagbentahan nito na nagkakahalaga ng dalawang libong piso (Php 2,000).

Saksi ang mga opisyal ng Sta. Cruz, Laguna at ilang miyembro ng media nang isagawa ang imbentaryo ng mga bagay na diumanong nakumpiska kay Olvido.

Ang kasong ito, ang pagbebenta ng ilegal na droga ni Olvido ay isang paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous   Drugs Act ng 2002.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,335,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,449,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: PGT Finalist Na Si Mark Joven, Nahuli Sa Isang Buy-Bust Operation
PGT Finalist Na Si Mark Joven, Nahuli Sa Isang Buy-Bust Operation
https://1.bp.blogspot.com/-CVVcw8vCQtA/YJ8aF7cS0JI/AAAAAAADCsA/sM93bEHRh0wkkSVz_9lhrtMcF-kFqsThgCLcBGAsYHQ/w640-h336/PGT%2Bjoven.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-CVVcw8vCQtA/YJ8aF7cS0JI/AAAAAAADCsA/sM93bEHRh0wkkSVz_9lhrtMcF-kFqsThgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/PGT%2Bjoven.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/pgt-finalist-na-si-mark-joven-nahuli-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/pgt-finalist-na-si-mark-joven-nahuli-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy