Miss Myanmar, Maaaring Makulong Kapag Bumalik Sa Kanyang Bansa Matapos Pinilit Lumahok Sa Miss Universe 2020

Mayroong nakaabang na panganib kay Miss Mynmar Thuzar Wint kapag bumalik ito ng bansa ngayong tapos na ang 69 th Misss Universe competition...

Mayroong nakaabang na panganib kay Miss Mynmar Thuzar Wint kapag bumalik ito ng bansa ngayong tapos na ang 69th Misss Universe competition na kaniyang sinalihan matapos tumakas sa sariling bansa.

Si Thuzar Wint Lwin ang pambato ng Mynmar para sa Miss Universe at nanalo ito sa National Costume competition ng 69th Miss Universe.

Suot ang kaniyang costume at hawak ang isang papel na mayroong mga katagang “Pray for Myanmar”, ipinararating niya ang pinagdadaanan ng kaniyang mga kababayan sa Myanmar na ngayon ay nasa pamumuno ng mga military mula pa noong Pebrero 2021.


Marami ring nagaganap na mga kilos-protesta ngayon doon kabilang ang mga sibilyan na handing magbuwis ng mga buhay upang mabawi ang kalayaang ninakaw sa kanila at nakakalungkot man, ilan na rin ang nawalan ng buhay dahil dito.

Dahil nga rito, tumakas lang umano si Thuzar upang makalipad sa Florida, USA kung saan gaganapin ang naturang kompetisyon at i-representa ang kaniyang sintang bansa.

Nagsuot lamang daw ng hoodie at dark sunglasses ang babae upng hindi mapansin ng Myanmar border security. Para rin hindi mahalata ang kaniyang pagtakas, ipinadala na lamang niya ang kaniyang national costume na gagamitin sa Miss Universe sa pamamagitan ng isang international courier company, na sa kasamaang palad ay hindi nakarating sa Amerika.

Gayundin ang kaniyang evening gown na nakapaloob sa nawalang bagahe ni Thuzar noong siya’y palipad na sa patutunguhan.

Ngunit, nagmagandang-loob naman ang mga miyembro ng Chin Community sa Florida, na kidokondena rin ang mga nagaganap na karahasan sa Myanmar, na igawa na lamang siya ng damit na kanilang tinawag na “Fearless Empress”, ang nagwaging national costume.


Sa walang takot na aksyong ito ni Thuzar sa Miss Universe 2020, naglabas ng arrest warrant laban sa kaniya ang military junta at malabo nang siya ay makabalik pa ng bansa.

Bago pa man ang kompetisyon , matapang nang sumasali sa mga kilos-protesta ang dalaga at ginagamit ang social-media para labanan ang naganap na coup d’etat noong Pebrero.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Thuzar ang nakaambang panganib sa pagbalik niya sa bansa ngunit anupaman daw, naipahatid niya naman sa mundo ang nangayari sa kaniyang bansa at nagbigay din siya ng mensahe para sa mga kababayan.

“Myanmar, We did it and it wouldn’t be possible if it’s not for your love and support. I’m blessed and thrilled that we made it all together all the way today. I wish I could have made you prouder. But I did my best and hope you all love what we got.” Pahayag nito.

“And thank you so so much to those who voted for Best National Costume. It’s more than a costume. It’s a message, spirit and solidarity. Be safe and God bless you all!”

Higit pa sa Best in National Costume, pasok din si Miss Myanmar sa Top 21 ng 69th Miss Universe.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Miss Myanmar, Maaaring Makulong Kapag Bumalik Sa Kanyang Bansa Matapos Pinilit Lumahok Sa Miss Universe 2020
Miss Myanmar, Maaaring Makulong Kapag Bumalik Sa Kanyang Bansa Matapos Pinilit Lumahok Sa Miss Universe 2020
https://1.bp.blogspot.com/-t5bgMd6k1kQ/YKNlHShTI6I/AAAAAAADEEQ/RMsROQQuMOcSykggRXf5WRKomhCbeUOpwCLcBGAsYHQ/w640-h336/miss%2Bmyanmar%2Bwint.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-t5bgMd6k1kQ/YKNlHShTI6I/AAAAAAADEEQ/RMsROQQuMOcSykggRXf5WRKomhCbeUOpwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/miss%2Bmyanmar%2Bwint.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/miss-myanmar-maaaring-makulong-kapag.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/miss-myanmar-maaaring-makulong-kapag.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy