Meryll Soriano, Sinagot Ang Mga Pambabatikos Sa Kanyang Pakikibagbalikan Kay Joem Bascon

Hindi na lamang pinapansin ng aktres na si Meryll Soriano ang mga pambabatikos na kaniyang natatanggap mula sa ibang tao matapos niyang maki...

Hindi na lamang pinapansin ng aktres na si Meryll Soriano ang mga pambabatikos na kaniyang natatanggap mula sa ibang tao matapos niyang makipagbalikan kay Joem Bascon.

Sa isang ekslusibong panayam ni Bianca Gonzales kay Meryll sa Cinema News At Home edition noon lamang ika-8 ng Mayo, ibinahagi ng aktres ang kaniyang mga sentimyento.

“Eleven years ago, naranasan kong maalagaan ni Joem. Alam mo yung tugma naman kami, magkaiba lang ang gusto naming, mostly ako talaga. Ngayon tugma na, siguro sa edad na rin. Ano ang gusto namin sa buhay? Gusto namin magkapamilya.”

Noong 2008, nagkaroon ng relasyon sina Meryll at Joem nang sila ay nagkatrabaho sa ABS-CBN television series na I Love Betty La Fea. Ngunit, noong 2010, nagkahiwalay ang mga ito nang lumipad ang aktres patungong London upang mag-aral ng Industrial Design.

Taong 2019 naman, nagkatrabaho ulit sina Meryll at Joem sa pelikulang Culion na pinagsimulan ng mga usap-usapan na nagkabalikan na nga ang dalawa.

Kinumpirma nga ni Meryll ang pagkakaroon niya ng relasyon dito noong Enero, taong kasalukuyan, sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa Instagram ng larawan kasama si Joem at  ang sanggol na anak nila ng huli.

“Love is lovelier the second time around? Oo, hahaha! Kinilig, it’s rekindled love, masaya siya.”

Samantala, binabalewala na lamang ni Meryll ang mga pang-ba-bash ng mga tao sa kanilang relasyon ni Joem para na rin makaiwas sa mental stress.

Ang mga pambabatikos na ito ay dahil nagkarelasyon si Joem sa vlogger na si Crisha Uy sa loob ng walong taon bago nauwi sa hiwalayan ang dalawa.

“Wala akong time for it. Nag-aalaga ako ng baby, masaya ang buhay,” mariing sabi ng aktres.

“Iniingatan natin na ‘wag tayong magkaroon ng postpartum. Nagkaroon ako nung kay Eli,”pagtukoy nito sa naranasan, ilang buwan matapos ang kaniyang panganganak sa panganay na si Eli o Elijah sa dating asawa na si Bernard Palanca.


Ngayon daw ay mas gamay na ni Meryll ang pambabaliwala sa mga batikos na natatanggap. Hindi niya na lamang daw ine-entertain ang mga ito at hindi rin niya hinahayaan na maapektuhan siya ng mga ito.

“Talagang delikado sa mental health.”

Sa ngayon daw, wala pang maibabahagi ang aktres sa usapang kasalan sa partner na si Joem Bascon dahil abala rin  daw sila sa pag-aalaga sa kanilang anak. 

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,335,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,449,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Meryll Soriano, Sinagot Ang Mga Pambabatikos Sa Kanyang Pakikibagbalikan Kay Joem Bascon
Meryll Soriano, Sinagot Ang Mga Pambabatikos Sa Kanyang Pakikibagbalikan Kay Joem Bascon
https://1.bp.blogspot.com/-XTK-0eeSie0/YKnlpcNzLiI/AAAAAAADFpI/cqBTU_e-5wQSNBOYBNBLErXOmfd8kmoOgCLcBGAsYHQ/w640-h336/Meryl%2Bjoem%2Bbaby%2Blife.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-XTK-0eeSie0/YKnlpcNzLiI/AAAAAAADFpI/cqBTU_e-5wQSNBOYBNBLErXOmfd8kmoOgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/Meryl%2Bjoem%2Bbaby%2Blife.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/meryll-soriano-sinagot-ang-mga.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/meryll-soriano-sinagot-ang-mga.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy