Marco, Super Tekla, Binastos Umano Si Donnalyn Bartolome Sa Sariling Vlog Nito Dahil Sa Isang Milyon

Naintriga ang publiko matapos magpost ni Donnalyn Bartolome tungkol sa insidenteng nangyari sa vlog nito na “Last to leave the pool wins 1 m...

Naintriga ang publiko matapos magpost ni Donnalyn Bartolome tungkol sa insidenteng nangyari sa vlog nito na “Last to leave the pool wins 1 million pesos” at kung pinariringgan ba nito sina Marco Gumabao at Super Tekla sa post na iyon.

Si Donnalyn Bartolome ay isang sikat na vlogger, aktres, singer at rapper. Marami na ring mga challenges na nagawa ang dalaga sa mga vlog nito.

Hindi maitatangging halos walang takot ang dalaga sa mga hayop na katulad na lamang ng sawa, na kaniyang inalagaan ng isang araw.

Kung kaya naman, ang pool challenge na ito ng vlogger ay isang hamon sa katapangan ng mga kalahok; na sina Marco Gumabao, Super Tekla, Donita Nose, Asian Cutie at Mika Salamanca, na kapwa artista at YouTuber ni Donnalyn.

(Sa ngayon, burado na ang naturang video, kung kaya naman base na lamang sa mga pahayag ng netizens na nakapanood ang mga pangyayaring  ilalahad sa ulat na ito.)

Sa challenge na ito, patagalan ang mga kasali sa pool at kung sino ang matitira, siya ang mag-uuwi ng isang milyong piso.

Hindi dapat umalis sa pool ang mga ito, at habang tumatakbo ang oras, nadadagdagan ang mga panuntunin upang mas maging challenging umano sa mga ito.

Malinaw daw ang mga patakarang nilahad ng vlogger at bago daw magsimula ang paligsahan, pumirma rin daw umano ang mga kalahok ng isang waiver sapagkat mapanganib ang mga ilalagay sa pool, katulad na lamang ng palaka, ipis, ahas at maliliit na buhaya bilang parte ng challenge. Mayroon din daw nakaabang na medic, kung sakali mang may hindi magandang mangyari.

Makalipas ang ilang mga minuto, na-out na sina Donita, Mika at Asian Cutie. Samantalang natira naman sina Donnalyn, Marco at Super Tekla.

Ngunit, mayroong isang pagkakataon, noong inilagay na ang mga maliliit na buhaya, bumitin umano si Marco sa railing ng pool at umangat ang paa sa tubig.

Nakita ito ni Donnalyn at kinastigo si Marco; tanggal na raw ito. Katwiran naman ng huli; nasa swimming pool pa siya at hindi raw siya umalis.

Dahil rito, nagdagdag ng rule si Donnalyn na wala nang aangat sa tubig at naglagay na rin ng boundaries ang mga staff na walang lalampas sa floaties sa pool.

Ngunit, hindi na naman ito nasunod sapagkat noong may lumapit na buhaya kay Super Tekla, nasangga at lumampas siya sa ginawang linya, kung kaya naman marapat na siya ay tanggal na.

Sinabihan ito ni Donnalyn na out na raw ito, pero hindi ito tinanggap ni Super Tekla.

Ayon sa mga nakapanood, ramdam ang tensyon sa pagitan ng tatlo matapos ang diskusyong naganap tungkol sa naturang hamon. Sapagkat umahon, nagbihis at umalis na sina Marco at Super Tekla kahit hindi pa natatapos ang challenge.

Ang inakala pa raw ni Donnalyn ay binibiro lamang siya ng dalawa at isa lang daw “prank” ang nangyari.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,335,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,449,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Marco, Super Tekla, Binastos Umano Si Donnalyn Bartolome Sa Sariling Vlog Nito Dahil Sa Isang Milyon
Marco, Super Tekla, Binastos Umano Si Donnalyn Bartolome Sa Sariling Vlog Nito Dahil Sa Isang Milyon
https://1.bp.blogspot.com/-V0aKZqldCk8/YJyEt8b-TQI/AAAAAAADCBU/KLVKja7r5FANkL524M8LQ-jmbvm-L7HbwCLcBGAsYHQ/w640-h336/dona%2Blast%2Bpool.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-V0aKZqldCk8/YJyEt8b-TQI/AAAAAAADCBU/KLVKja7r5FANkL524M8LQ-jmbvm-L7HbwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/dona%2Blast%2Bpool.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/marco-super-tekla-binastos-umano-si.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/marco-super-tekla-binastos-umano-si.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy