Janice De Belen, Nagsalita Na Ukol Sa Naging Relasyon Nila Umano Ni Gerald Anderson

Isiniwalat na ng aktres na si Janice De Belen ang tunay na relasyon nila ng co-actor na si Gerald Anderson matapos ang usap-usapang nagkaroo...

Isiniwalat na ng aktres na si Janice De Belen ang tunay na relasyon nila ng co-actor na si Gerald Anderson matapos ang usap-usapang nagkaroon umano siya ng romantikong relasyon dito noong taong 2015 matapos ang magkapanabay nilang pagtatrabaho sa isang ABS CBN primetime series na “Budoy”.

Sa kaniyang panayam sa “Magandang Buhay” nito lamang Lunes, ika-17 ng Mayo, ikinumpara niya ang aktor sa isang bangus sapagkat “matinik” daw ito.

Noong tanungin si Janice ng mga hosts na sina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Carla Estrada para sa isang segment ng palabas kung saan ay nagpapakita ang mga ito ng larawan ng mga aktor pagkatapos ay kaniyang ikukumpara sa pagkain ayon sa persepsyon niya sa mga ito.

“Si Gerald ay parang bangus,” pahayag nito.

“Love ko ang bangus. Favorite ko ang bangus kaya lang matinik,” paliwanag niya na nagpatawa sa mga hosts.

Nilinaw din ni Janice ang totoo noong tanungin siya ng isa samga hosts tungkol sa nanyaring ‘dating rumor’ nila noon ni Gerald.

Dahil sa natural na pagiging malapit ng dalawa sa isa’t isa, sa harap man o likod ng camera, hindi maiwasang magmunukala ng mga kapwa-aktor ng mga ito sa showbiz na mayroong namamagitan sa dalawa.

Ngunit mariin naman ang pagtangging ginawa nina Janice at Gerald tungkol dito, lalo na ang una sapagkat parang anak na ang turing niya sa huli.


“Kasi, kahit ako, hindi ko alam. Bakit ako? Wala na bang ibang mas sexy or mas maganda? Bakit ako?”Sabi ni Janice sa panayam.

“I feel na lahat sila, parang yun din ang tanong, ‘Bakit siya?’,”dagdag pa nito.

Panay man ang tanggi ng dalawa, hindi pa rin namamatay ang usap-usapan kung saan may relasyon umano sila. Kung kaya naman hindi na siya nag-abala pang linawin ang isyu.

“Kasi feeling ko, wala nang point, kasi naniwala na lahat, e. Ano pang point para klaruhin ko yung issue or para i-deny ko or whatever when everybody already believed it?”

“Kasi ‘pag persistent na masyado, Instagram na lang. Ganun lang kasimple. Isip ka na lang ng pinakamadali- parang your point will get through so ‘yun na lang,”dagdag pa nito.

Samantala, si Gerald, na noo’y kagagaling lamang sa hiwalayan sa dating nobya na si Maja Salvador, ay humihingi lamang ng privacy at respeto, lalo na para sa pamilya ni Janice.

“Hindi ko nga alam kung papatulan ba natin ‘yan. Nakakahiya naman, nakakahiya sa pamilya ni Ate Janice. Tinext ko nga siya, tinanong ko kung okay siya kasi napakawalang kuwenta naman ng issue na ‘yan,”pahayag ng aktor.

Sinabi rin niyang ayaw na niyang pahabain pa at tigilan na raw sana ang usap-usapan na iyon sapagkat nakakahiya raw sa ibang tao. Siya na rin lang daw ang batikusin at huwag na raw sanang mandamay pa ng ibang tao.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,335,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,449,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Janice De Belen, Nagsalita Na Ukol Sa Naging Relasyon Nila Umano Ni Gerald Anderson
Janice De Belen, Nagsalita Na Ukol Sa Naging Relasyon Nila Umano Ni Gerald Anderson
https://1.bp.blogspot.com/-lAqiPvWYidc/YKn8j0-wQzI/AAAAAAADFqg/PhW4uYGlOHAwh_X4WiteXjOlwLy1fGnjgCLcBGAsYHQ/w640-h336/budoy%2Bjanice.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-lAqiPvWYidc/YKn8j0-wQzI/AAAAAAADFqg/PhW4uYGlOHAwh_X4WiteXjOlwLy1fGnjgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/budoy%2Bjanice.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/janice-de-belen-nagsalita-na-ukol-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/janice-de-belen-nagsalita-na-ukol-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy