Isang Artist, Gumawa Ng Mga Leaf Artworks Para Magbigay Pugay Sa Mga Babae Sa Likod Ng Community Pantries

Nag-alay si Dominic Jay Gregorio, isang alagad ng sining mula sa Tigaon, Camarines Sur, ng isang leaf artwork para sa mga babaeng naging kap...

Nag-alay si Dominic Jay Gregorio, isang alagad ng sining mula sa Tigaon, Camarines Sur, ng isang leaf artwork para sa mga babaeng naging kapansin-pansin ang pagtulong sa kapwa ngayong panahon ng pandemya.

Gumamit ng dahon ng langka si Gregorio para sa kanyang obra na tinatampok ang mukha ng aktres na si Angel Locsin at ni Ana Patricia Non na nagpasimula ng community pantry sa Maginhawa Street, Quezon City.

Si Angel Locsin ay kilalang personalidad dahil bukod sa isa siyang mahusay na aktres ay parati siyang nagpapaabot ng tulong sa kapwa lalo na kapag may sakuna. Bunsod nito ang pagtawag sa kanya ng nakararami bilang Darna sa totong buhay o real-life Darna.

Samantala si Non naman ay isang ordinaryong mamamayan na nais tumulong sa kapawa kaya nag-orgnaisa ng community pantry. Ang community pantry ay isang programa kung saan naglalatag ng mga pagkain sa gilid ng daan upang makakuha and sinumang nais kumuha ng naaayon sa pangangailangan. 

Noong simula ay isang maliit na espasyo lamang ang naookupa ng community pantry na isinagawa ng grupo ni Non ngunit nang lumaon ay dumami ang nag-alay ng donasyon na nagresulta sa mas maraming tulong para sa ating mga kababayan.

Sa katunayan, ang inisyatibong ito ni Non ang nagtulak sa maraming samahan at indibidwal na magtayo rin ng kaminlang sariling community pantry upang makatulong sa kapwa. Kabilang na rito si Gregorio na nagbukas din ng community pantry sa kanilang lugar sa Tigaon, Camarines Sur kasama ang kanyang pamilya.

Bumaha naman ng papuri para kay Gregorio dahil sa maganda niyang sining gamit ang dahon. Ganoon din ang pagmalas ng mga netizen kay Angel Locsin at kay Ana Patricia Non dahil sa taos-pusong pagtulong nila sa kapwa, lalo na sa mahihirap.

Hindi maikakailang malaki ang dulot na hirap ng pandemya sa karamihan ng mamamayang Pilipino. Dahil sa istriktong pagpapatupad ng community quarantine sa bansa bilang tugon sa pandemya, napipilitang manatili sa bahay imbes na maghanap buhay ang mga tao. Sa mga panahon ng kahirapan, katulad ng pandemyang ito, naipapamalas ang bayanihan ng Pilipino.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,385,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,432,Tips,64,Trending,472,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Artist, Gumawa Ng Mga Leaf Artworks Para Magbigay Pugay Sa Mga Babae Sa Likod Ng Community Pantries
Isang Artist, Gumawa Ng Mga Leaf Artworks Para Magbigay Pugay Sa Mga Babae Sa Likod Ng Community Pantries
https://1.bp.blogspot.com/-pGDN6gIPizc/YJDxuohBmXI/AAAAAAADAgk/ywZDXrEqmCEHNqP5Bx4qhEQE8e6fycGvgCLcBGAsYHQ/w640-h336/leaf%2Bart%2Bpantry.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-pGDN6gIPizc/YJDxuohBmXI/AAAAAAADAgk/ywZDXrEqmCEHNqP5Bx4qhEQE8e6fycGvgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/leaf%2Bart%2Bpantry.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/isang-artist-gumawa-ng-mga-leaf.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/isang-artist-gumawa-ng-mga-leaf.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy