Aljur Abrenica, Inamin Na Mayroong Kinakaharap Na Problema Sa Kanilang Pagsasama Ni Kylie Padilla

Kamakailan lang ay umamin si Aljur Abrenica na dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila ni Kylie Padilla. Matatandaang naging laman...

Kamakailan lang ay umamin si Aljur Abrenica na dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila ni Kylie Padilla.

Matatandaang naging laman ng entertainment websites ang mag-asawang Aljur and Kylie noong Pebrero ng kasalukuyang taon. 

Ayon sa mga haka-haka ay may matinding pinagdadaanan ang dalawa dahil sa mga posts ni Kylie sa kanyang Instagram account. Dumagdag pa sa mga espekulasyon ng mga netizens na hiwalay na ang mag-asawa dahil sa pag-bura ni Kylie sa lahat ng mga larawan ni Aljur sa kanyang Instagram account.

Pagkalipas ng ilang linggo ay napawi ang pag-aalala ng mga supporters ng mag-asawa nang mag-post si Aljur ng larawan ni Kylie suot ang kanyang wedding ring bilang pagdiriwang ng International Women’s Month.

Tila isa itong hudyat na kung anuman ang pagsubok na pinagdaanan ng dalawa ay naayos na nila ito.

Hindi nagbigay ng anumang pahayag ang mag-asawa tungkol sa isyu na ito maliban lamang noong ganapin ang story conference ng bagong pelikula ni Aljur.

Nang tanungin siya tungkol sa naging problema nilang mag-asawa, makahulugan ang kanyang sagot, “It was mismanaged.” Dagdag pa niya, “Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan. Nagkaproblema kaming dalawa at na-mismanaged namin.”

Nilinaw naman ng aktor na maayos na ang pagsasama nilang asawa sa kasalukuyan at hindi na nagbigay ng anumang elaborasyon sa naging sanhi ng hindi nila pagkakaunawaan.

Ikinasal sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla noong December 2018 at may dalawa na silang mga anak, si Alas Joaquin and Axl Romeo. Bago sila humantong sa kasalan ay dumaan sa on-and-off na relasyon ang dalawa.


Tunay nga na lahat ng relasyon ay dumadaan sa pagsubok at hindi excused ang mga celebrities na katulad nila Kylie Padilla at Aljur Abrenica dito. Ang mga pagsubok na ito ang nagpapatibay sa pagsasama ngunit kung hindi ito naagapan ay maaring maging sanhi ng paghihiwalay.

Nawa ay magresulta sa mas matibay na relasyon ang naging hamon sa pagsasama na pinagdaanan ng mag-asawang Abrenica.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,335,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,449,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Aljur Abrenica, Inamin Na Mayroong Kinakaharap Na Problema Sa Kanilang Pagsasama Ni Kylie Padilla
Aljur Abrenica, Inamin Na Mayroong Kinakaharap Na Problema Sa Kanilang Pagsasama Ni Kylie Padilla
https://1.bp.blogspot.com/-zbFgBmyECj4/YK2roSvalyI/AAAAAAADFuw/2rAV_k-M30gGT7XRvjDgm0vwjNAtT43YwCLcBGAsYHQ/w640-h336/aljur%2Bkylie%2Bprob.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-zbFgBmyECj4/YK2roSvalyI/AAAAAAADFuw/2rAV_k-M30gGT7XRvjDgm0vwjNAtT43YwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/aljur%2Bkylie%2Bprob.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/05/aljur-abrenica-inamin-na-mayroong.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/05/aljur-abrenica-inamin-na-mayroong.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy