Rabiya Mateo, Mataas Ang Tyansa Na Makuha Ang Miss Universe Title Matapos Magback-Out Ang Ilang Bansa

Lumaki ang posibilidad na makuha ng Pilipinas ang korona sa nalalapit na Miss Universe 2020 pageant, kung saan si Rabiya Mateo ang pambato n...

Lumaki ang posibilidad na makuha ng Pilipinas ang korona sa nalalapit na Miss Universe 2020 pageant, kung saan si Rabiya Mateo ang pambato ng bansa, matapos mag-withdraw ng 18 na bansa.

Noong magkaroon ng pandemya, naapektuhan nang husto ang iba’t-ibang bansa. Kung kaya naman, 18 na mga bansa at teritoryo ang hindi makakalahok sa darating na Miss Universe na gaganapin sa Amerika.

Hindi nakapagdaos ng patimpalak ang mga bansang ito dahil na rin sa mga striktong panuntunin na kailangang sundin upang hindi kumalat ang virus.

Binawi ng mga bansang Angola, Egypt, Equatorial Guinea, Georgia, Guam, Kenya, Lithuania, Mongolia, Namibia, New Zealand, Nigeria, Saint Lucia, Sierra Leone, Sweden, Tanzania,Turkey at ang U.S. Virgin Islands ang kanilang paglahok sa Miss Universe pageant dahil sa mahigpit na travel restrictions. Sa unang pagkakataon nama’y hindi makapagpapadala ng kandidata ang Germany.

Marami sa mga bansa ang hindi nakapagdaos ng kanilang national pageant. Kung kaya nama’y 30 sa opisyal na kandidata ng Miss Universe ang “appointed” lamang ng kanilang bansa. Hindi tulad ng pambato ng Pilipinas, na sumailalim sa matinding kompetisyon, pawang mga pinili lamang ng kani-kanilang bansa ang mga naturang kalahok.

Matapos ang Miss Universe Philippines na ginanap noong Oktubre 2020 sa Baguio City, nagsimula nang sumailalim sa iba’t-ibang pagsasanay ang 24-anyos na dalaga upang mapaghandaan ang pageant.


Marami ang naniniwalang malaki ang tiyansang masungkit ni Rabiya ang korona dahil sa nabawasang bilang nga mga bansang lalahok.

Sa isang panayam sa dalaga kamakailan lamang, ipinakilala nito ang sarili bilang “next Miss Universe”.

Sa nalalapit na ika-16 ng Mayo (ika-17 ng Mayo sa Pilipinas) idadaos ang Miss Universe 2020 pageant sa Seminole Hard Rock Café sa Hollywood, Florida. Buong bansa ang nag-aabang sa darating na kumpetisyon kung saan sasabak na si Rabiya Mateo at umaasang maiuuwi nito ang korona.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Rabiya Mateo, Mataas Ang Tyansa Na Makuha Ang Miss Universe Title Matapos Magback-Out Ang Ilang Bansa
Rabiya Mateo, Mataas Ang Tyansa Na Makuha Ang Miss Universe Title Matapos Magback-Out Ang Ilang Bansa
https://1.bp.blogspot.com/-rgJKcWQrav0/YIVdFYa_API/AAAAAAAC_X4/hovJyvCAiDMnXNb11_XyHwOJBQJr_GG3gCLcBGAsYHQ/w640-h336/rabiya%2Bmateo.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-rgJKcWQrav0/YIVdFYa_API/AAAAAAAC_X4/hovJyvCAiDMnXNb11_XyHwOJBQJr_GG3gCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/rabiya%2Bmateo.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/04/rabiya-mateo-mataas-ang-tyansa-na.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/04/rabiya-mateo-mataas-ang-tyansa-na.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy