Matandang Lalaki, Hinayaang Tumira Sa Tila Tangkal Ng Baboy Ng Mga Kamag-anak Matapos Lumaya

Humingi ng tulong ang isang netizen kay Raffy Tulfo upang matulungan ang matandang lalaking ito na nakatira na lamang sa tila kulungan ng ba...

Humingi ng tulong ang isang netizen kay Raffy Tulfo upang matulungan ang matandang lalaking ito na nakatira na lamang sa tila kulungan ng baboy.

Sa labis na sikip at dumi ng kinalalagyan ng lolo, tunay naman na nakakahabag ng damdamin ang sitwasyon nito. Kung kaya naman hindi na nagpaawat pa ang isang kapitbahay ng matanda, at dumulog na kay Raffy Tulfo. Maging ang huli ay nabahala nang makita ang kalunos-lunos na pinagdaraanan ng matandang lalaki.

Ayon sa nagmalasakit na kapitbahay, na kinilalang si Jennelyn Galvez, madalas niya raw madaanan ang matanda at aminado rin daw siyang nahihirapan siya sa kalagayan ng huli.

Sa isang video na ibinahagi ni Jennelyn, makikita na marumi ang lugar, sira na at matigas pa ang higaan kung kaya naman mas pinili na lamang nitong sumalampak sa lupa upang doon ito humiga at mas makapagpahinga ng maayos.

Napag-alaman ni Tulfo na kakalaya lamang umano ng matandang lalaki mula sa 16 taong pagkakakulong sa salang pagpaslang sa sarili nitong asawa, dahil nahuli raw nitong may kasama umanong ibang lalaki ang babae.


Samantala, kinausap din ni Tulfo ang kaanak nito na si Marivic Ramirez. Sinabi nito na bahagi pa rin ng kanilang bahay ang tinutuluyan ng matanda. Sa sobrang busy daw nila sa trabaho, hindi na raw nila nagagawang linisin ang lugar nito.

Dati rin naman daw na kasama nila ang matanda subalit noong magka-tuberculosis ito, napilitan silang ihiwalay na ito. Hirap din daw sila sa buhay kung kaya naman, hindi na nila natutustusan ang mga gamot ng matanda.

Inaksyunan agad ni Tulfo ang sitwason at nagpadala ng tulong sa matanda. Kinausap na rin ni Tulfo ang senior staff ng Brgy. 181 Caloocan na siyang mamamahala sa pagdadala ng lolo sa shelter.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Matandang Lalaki, Hinayaang Tumira Sa Tila Tangkal Ng Baboy Ng Mga Kamag-anak Matapos Lumaya
Matandang Lalaki, Hinayaang Tumira Sa Tila Tangkal Ng Baboy Ng Mga Kamag-anak Matapos Lumaya
https://1.bp.blogspot.com/-HxGRSSGlU8k/YHZwicZ6YSI/AAAAAAAC9Jo/7qVTA0GXJPYXTyPVq8f8MpiTqpQ77s9fQCLcBGAsYHQ/w640-h336/tangkal%2Bwith%2Blolo.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-HxGRSSGlU8k/YHZwicZ6YSI/AAAAAAAC9Jo/7qVTA0GXJPYXTyPVq8f8MpiTqpQ77s9fQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/tangkal%2Bwith%2Blolo.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/04/matandang-lalaki-hinayaang-tumira-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/04/matandang-lalaki-hinayaang-tumira-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy