Kubang Lola, Patuloy Pa Rin Sa Pagtitinda Sa Kabila Ng Kanyang Kapansanan, Umantig Sa Mga Netizens

Matiyaga pa ring nagtitinda ang lolang ito ng kaniyang mga panindang puto upang may maipangtawid araw-araw, kahit pa tila hirap na hirap na ...

Matiyaga pa ring nagtitinda ang lolang ito ng kaniyang mga panindang puto upang may maipangtawid araw-araw, kahit pa tila hirap na hirap na ang matandang babae dahil sa kaniyang kondisyon.

Naging usap-usapan ang litratong ito ng isang kubang lola na naglalako ng mga puto. Isang concerned citizen ang nagbahagi ng nakakahabag na pinagdaraanan ng lolang ito sa social media.

Ayon sa post, araw-gabi raw na naglalako ang matanda ng kaniyang tinitindang puto. Madaling araw pa lamang daw ay umaalis na ito sa bahay nito, dala-dala ang basket na may lamang mga puto na kaniyang ititinda. Kahit pa nga raw tirik na tirik ang araw, hindi mapipigilan ang Lola na magikot-ikot sa mga lugar upang maubos na ang paninda nito.

Ang dahilan kung bakit patuloy ang pagsisikap ng matanda na maubos lahat ng kaniyang inilalako ay upang may maipangkain siya at ang kanya pang dalawang apo, na iniwan daw sa kaniya ng anak. Hindi na raw muling nagpakita ang anak niyang iyon matapos silang iwanan. Wala na rin daw itong suportang ibinibigay sa dalawang anak nito.

Nakasabay ko lang si nanay kanina sa daan. Nadurog ang puso ko nang makita siya ng ganun. Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda siya ng puto tuwing madaling araw. Kahit pa ganyan ang katawan niya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin niya ang dalawang apo niya na iniwan ng anak sa kaniya,” saad ng netizen na nagbahagi ng mga litrato.

Marami ang nahabag sa kalagayan ng matanda. Mayroon ding nag-alok ng kaunting tulong at iba pang handog, kahit maliit lamang. Ang iba naman ay tinawag ang atensiyon ni Raffy Tulfo upang matulungan ang matandang babae sa kaniyang sitwasyon.

Nanawagan din ang ibang netizens sa anak nito, na nanay ng mga bata, upang magpakita na at suportahan ang dalawang anak nito upang hindi na mahirapan pa ang Lola sa paghahanapbuhay.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kubang Lola, Patuloy Pa Rin Sa Pagtitinda Sa Kabila Ng Kanyang Kapansanan, Umantig Sa Mga Netizens
Kubang Lola, Patuloy Pa Rin Sa Pagtitinda Sa Kabila Ng Kanyang Kapansanan, Umantig Sa Mga Netizens
https://1.bp.blogspot.com/-eZESU2Ce49k/YG0SEifbKvI/AAAAAAAC8mk/Qd_HwgFv43AJhWYpStXGquFFcIZ-4FR4QCLcBGAsYHQ/w640-h336/kubo%2Blola%2Bselling.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-eZESU2Ce49k/YG0SEifbKvI/AAAAAAAC8mk/Qd_HwgFv43AJhWYpStXGquFFcIZ-4FR4QCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/kubo%2Blola%2Bselling.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2021/04/kubang-lola-patuloy-pa-rin-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2021/04/kubang-lola-patuloy-pa-rin-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy