Hindi napigilan ng aktres na si Janella Salvador na ihayag ang inis sa isang nurse na ‘di umano’y nagpakalat ng kaniyang pagbubuntis. Ito ay...
Hindi napigilan ng aktres na si Janella Salvador na ihayag ang inis sa isang nurse na ‘di umano’y nagpakalat ng kaniyang pagbubuntis.
Ito ay matapos ngang ipahayag ng artista ang kaniyang mga pinagdaan, habang ipinagbubuntis ang kaniyang anak, sa podcast ng mag-asawang vlogger na sina Slater Young at Kryz Uy na “Skypodcast”.
Ibinahagi ni Janella sa podcast na ito kung paano niya ipinaalam sa ina, na si Jenine Desiderio, ang kaniyang pagbubuntis.
Ayon sa aktres, hindi raw sa kaniya unang
nalaman ng ina ang balitang ito, kundi ay sa ibang tao. Ito ay marahil raw
dahil ipinagkalat ng isang intern sa ospital ang kaniyang pagbubuntis nang siya
ay magpakonsulta.
“I think she found out because of, I think may kumalat. The annoying thing is, before I was able to tell her… because I told her when I was four months na. ‘Cause I was really nervous about it. I didn’t tell her agad. I was super nervous.”
“I already had my
check-up when I went to the hospital. One of the interns, like, spread the
news. So, it was kind of scary. I wa so p!ssed, honestly, ‘cause there are
things that you would want to tell your family members personally,” saad ng
aktres.
Hindi raw naging madali
ang pag-aming kaniyang ginawa sa ina. Labis daw ang takot na kaniyang
nararamdaman habang kaniyang sinasabi sa ina ang pagbubuntis.
“When I told her
that I was pregnant, ikt was via video call lang… So, I had to call her. I was
nervous. I had to call her via video call and she was poker face lang,” aniya.
“When I told her, ‘Mama, I need to tell you something,’ ganyan. And then she was, ‘What? You’re pregnant?’ It was so scary,” dagdag niya.
Kamakailan lamang noong nakaraang taon, Setyembre 2020, pumutok ang balitang ang aktres ay nagdadalang-tao na, na siya namang gumulantang sa sambayanan.
Noong mga
panahong iyon, nakalipad na si Janella sa kinalakhang bayan ng kaniyang nobyong
si Markus Paterson, sa London. Kasama rin ang kaniyang ina na si Jenine at ang
kaniyang nakababatang kapatid.
Enero ng taong ito, tuluyan na ngang isinapubliko nina Janella at Markus ang kanilang pagiging ganap na magulang sa pagbabahagi sa social media ng mga litrato at video kasama ang kanilang anak na pinangalanang “Jude”.
COMMENTS