Matandang Lalaki, Nagkakan-dapa At Nasubsob Pa Sa Putik Sa Paghahabol Ng Relief Goods

Dinagsa ng tulong mula sa mga kababayan ang matandang lalaking ito matapos mag- viral ang kaniyang litrato kung saan makikita siyang putika...

Dinagsa ng tulong mula sa mga kababayan ang matandang lalaking ito matapos mag-viral ang kaniyang litrato kung saan makikita siyang putikan, hindi lamang ang katawan ang may bakas ng tuyong putik, kundi pati na rin ang kaniyang mukha.

Ito ay matapos umano niyang tumakbo upang makahabol at makakuha ng mga ipinamimigay na relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo, gayun pa man, wala na  siyang naabutan. 


Nito lamang nakaraan, sunod-sunod na bagyo ang sumalanta sa Pilipinas, partikular na sa Luzon. Labis ang epekto ng mga bagyong ito, lalo na ang huli, ang bagyong Ulysses. Ang  Cagayan  Valley at Isabela ang nagtamo ng pinakamatinding pinsala kung saan umabot hanggang sa 15 metro ang taas ng tubig baha.

Lumubog ang mga bahay at tanging sa bubong na lamang ng matataas na bahay naghihintay ng saklolo ang mga residente.

Matapos ang unos na sumira sa mga ari-arian ng tao, halos wala nang natira sa kanila.Gutom at uhaw, isa pang pagsubok para sa mga ito.

Kung kaya naman, wala nang iba pang maaasahan kundi ang mga relief goods na matatanggap sa gobyerno at iba pang mga tulong mula sa iba’t-ibang organisasyon ng mga kababayan.

Sa isang viral video ni @itsmecarlo19 sa Tiktok, isang social media platform kung saan maaring makadiskubre at magbahagi ng maiikling video, makikita ang matandang lalaki, puno ng alikabok at natuyong putik ang mukha, mababakas ang lungkot dahil walang mauuwing pagkain sa pamilya. Kinilala itong si Lauriano Anung Pattaui ng Barangay San Isidro, Iguig sa Cagayan. 


Ibinahagi naman ng netizen na si Apreil-Jhoiyzhe Juan Cabacungan-Bacuyan ang naturang video. Dahil dito, marami ang naghandog ng tulong kay tatay Lauriano.

Sa tulong ni Apreil ay mabilis na natunton ang lalaki. Nabigyan ito ng mga pagkain at iba pang pangangailanganng pamilya. 

Isa lamang si tatay Laurianosa libo-libong residente ng Cagayan na apektado ng bagyong Ulysses. 

Nabigo at nadapa man sa una, patuloy pa ring babangon. 


COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,146,Celebrity Houses,12,Celebrity Stories,261,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,395,Tips,61,Trending,413,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Matandang Lalaki, Nagkakan-dapa At Nasubsob Pa Sa Putik Sa Paghahabol Ng Relief Goods
Matandang Lalaki, Nagkakan-dapa At Nasubsob Pa Sa Putik Sa Paghahabol Ng Relief Goods
https://1.bp.blogspot.com/-lFsja7q8bMk/X9robMWQJcI/AAAAAAACwIA/r5RHEXRvAToI95Vo_zEcBpHvdBDCVY0-wCLcBGAsYHQ/w640-h336/lolo%2Brelip%2Bgoods.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-lFsja7q8bMk/X9robMWQJcI/AAAAAAACwIA/r5RHEXRvAToI95Vo_zEcBpHvdBDCVY0-wCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/lolo%2Brelip%2Bgoods.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/12/matandang-lalaki-nagkakan-dapa-at.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/12/matandang-lalaki-nagkakan-dapa-at.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy