Isang Babaeng Customer Ng Angkas, Inaway Ng Misis Ng Rider Matapos Mapagkamalang Kabit

Sa isang relasyon, hindi talaga maiiwasan ang pagiging selosa at seloso ng ating mga partner. May pagkakataon pa nga na ang ilan ay labis an...

Sa isang relasyon, hindi talaga maiiwasan ang pagiging selosa at seloso ng ating mga partner. May pagkakataon pa nga na ang ilan ay labis ang pagka-over protective sa kanilang mga kabiyak.

Minsan ay talagang binubusisi at tinitignan pa ng kanilang mga kapartner ang bawat text messages na kanilang natatanggap, kahit pa sa messenger at iba pang mga socimed accounts. Kahit pa nga ang mga lakad at paglabas din ng bahay ay kailangan malaman ng ating mga kabiyak.

Kagaya na lamang ng netizen na ito na ibinahagi sa socmed page ng Angkas ang mga hindi naging magandang sagot sa kaniya ng misis ng rider na kaniyang nai-book.

Ayon sa netizen na si Ms. Bianca Ramos, siya ay nagpabook ng rider sa Angkas dahil ito pa lamang din ang pinapayagan na pangpasaherong motorsiklo ngayon na bumyahe sa Metro Manila para na din ang kaniyang byahe ay mapabilis.

Ngunit, laking gulat na lamang ni Bianca sa mga sumunod na pangyayari matapos niyang makatanggap ng mensahe mula sa misis ng rider na kaniyang nai-book. Ito ay nagsimula nang i-message niya ang rider para tanungin kung nasaan na ito.

Si Bianca kasi ay napagkamalan na kalaguyo ng asawa ng rider. Sakto pa naman noong mga oras na iyon ay umagang umaga pa at hindi pa siya nakakapag-almusal kaya naman marahil hindi pa maganda ang timpla ng mood ni Bianca.

Ibinahagi ni Bianca sa socmed page ng Angkas ang screenshot ng naging sagutan nila ng misis ng rider na kaniyang ipina-book.

Sa nasabing screenshot, makikita kung paano nagsimula ang kanilang sagutan. Sa unang message ni Bianca, makikita na tinawag ni Bianca ang naturang rider ng "kuya". Makikita din dito na ang rider ay nag-message sa kaniya.

Kinabukasan, nakatanggap naman siya ng reply mula sa rider at tinanong siya kung sino siya. Saad ng asawa ng rider, "sino ka", at ito ay nasundan pa ng mga tanong at mga pambabastos sa kaniya dahil inakala ni misis na si Bianca ay kabit ng kaniyang asawa.

“Anung kailangan mo sa asawa ko, Pa kuya kuya ka pa tapos ano next?” tanong ng misis ng nasabing rider kay Bianca,

Maliban pa diyan, sinabihan din siya ng misis na marami pang mga lalaki na walang responsibilidad at pamilya na binubuhay.


Ani pa nito kay Bianca,

“hoy girl madami naman dyan ung nga walang responsibilidad na pwede mo tawagin na kuya”

Ngunit, hindi na lamang napigil ni Bianca na mainis nang sabihan siya nito ng “baka gusto mo maging kab1t”

Kaya naman hindi na din nakapagpigil ang netizen at sinagot na ang misis ng rider at sinabi na hindi boyfriend ang kaniyang kailangan dahil Angkas rider ang kaniyang hinahanap.

Hindi na din naman nakasagot pa ang misis ng rider dahil na din sa mga maanghang na sagot na binitawan ni Bianca sa kaniya.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,147,Celebrity Houses,9,Celebrity Stories,246,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,5,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,375,Tips,61,Trending,394,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Babaeng Customer Ng Angkas, Inaway Ng Misis Ng Rider Matapos Mapagkamalang Kabit
Isang Babaeng Customer Ng Angkas, Inaway Ng Misis Ng Rider Matapos Mapagkamalang Kabit
https://1.bp.blogspot.com/-KigHf2mTePk/X-MZEGj5GmI/AAAAAAACxLQ/AO-T5ZLtRlcmUs6Apdf_mlJABOF6agCIQCLcBGAsYHQ/w640-h336/angkas%2Brider%2Bmsg.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-KigHf2mTePk/X-MZEGj5GmI/AAAAAAACxLQ/AO-T5ZLtRlcmUs6Apdf_mlJABOF6agCIQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/angkas%2Brider%2Bmsg.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/12/isang-babaeng-customer-ng-angkas-inaway.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/12/isang-babaeng-customer-ng-angkas-inaway.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy