Isang Bayan Na Binaha Dahil Sa Bagyong Ulysses, Nag-Trending Matapos Ang Kakaibang Itsura Ng Tubig

Kinatuwaan at kinagiliwan ng maraming netizen ang tubig-baha sa munisipalidad ng Pakil sa Laguna nitong Biyernes lamang dahil sa malinis at ...

Kinatuwaan at kinagiliwan ng maraming netizen ang tubig-baha sa munisipalidad ng Pakil sa Laguna nitong Biyernes lamang dahil sa malinis at malinaw ito matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa may-ari ng mga larawan na si Lorraine Antazo, hindi na umano bago sa kanilang lugar sa Barangay Burgos ang ganito kalinaw at kalinis na tubig baha sa tuwing umaapaw ang Malaking Ilog na itinuturing din nila na fish sanctuary.

Saad ni Lorraine sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News,

“Monthly din kasi nililinis yan ng [mga] concerned citizen ng ilog like iyong [ibang] kababaihan.”



Sa isang post naman sa Facebook mula kay Pakil Mayor Vince Soriano, natural na umano na malis ang tubig na dumadaloy sa kanilang lugar dahil ito ay galing sa Turumba Spring Resort kaya naman ganoon na lamang ang kinalabasan ng baha sa kanila nang humupa ang bagyo.

Ani Soriano,

“Para po sa kabatiran ng lahat, ang ilog pong ito ay natural na malinis dahil ang tubig na dumadaloy dito ay nanggagaling direkta sa Turumba Spring Resort. Deklaradong Fish Sanctuary rin po ito ng aming bayan.”


Ayon kay Lorraine, lumilinis at nagiging malinaw ang tubig ulan na mula sa bundo na mapupunta sa kanilang lugar dahil sa bukal ng Turumba at iba pang bukal sa ilog.

Sabi niya,

“Kapag unang baha lalo na galing bundok iba ang kulay, brown. After po nun napapalitan ng magandang kulay na nagmumula sa bukal sa Turumba… at iba pang mga bukal sa ilog.”

Nilinaw din niya na hindi madalas na bumabaha sa kanilang lugar.


Ang mga nasabing larawan ay ibinahagi ni Lorriane bago dumating ang bagyong Ulysses kung saan makikita pa ang mga isda sa ilog. Hindi sila umano maaaring mamingwit doon dahil ito ay may multa.

Para naman kay Soriano, kung nasa palayan na ang mga isda at nakawala na ang mga ito sa ilog ay maaari naman na nila itong bingwitin.

"Yong mga malalaking isda dito na nakawala na sa ilog at nasa mga palayan na sa paligid nito ay pwede na pong bingwitin. Pero pag nasa loob pa rin po ng ilog, magmumulta pa rin pag hinuli ang mga ito ayon kay Kapitan Manny Laciste."

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,228,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,358,Tips,60,Trending,377,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Bayan Na Binaha Dahil Sa Bagyong Ulysses, Nag-Trending Matapos Ang Kakaibang Itsura Ng Tubig
Isang Bayan Na Binaha Dahil Sa Bagyong Ulysses, Nag-Trending Matapos Ang Kakaibang Itsura Ng Tubig
https://1.bp.blogspot.com/-9bG12U7DP5A/X7Ej6SYSe2I/AAAAAAACrmU/GnJbq8kdgsUmLttidh3t4BbVyxnMh8L4QCLcBGAsYHQ/w640-h336/river%2Bclear%2Blaguna.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-9bG12U7DP5A/X7Ej6SYSe2I/AAAAAAACrmU/GnJbq8kdgsUmLttidh3t4BbVyxnMh8L4QCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/river%2Bclear%2Blaguna.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/11/isang-bayan-na-binaha-dahil-sa-bagyong.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/11/isang-bayan-na-binaha-dahil-sa-bagyong.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy