Nasaan Na Nga Ba Ngayon Ang Mistress Ni Chris Watts Na Si Nichol Kessinger?

Naging trending at usap-usapan kamakailan sa socmed ang Netflix documentary film na pinamagatan na "American Murd3r: The Family Next Do...

Naging trending at usap-usapan kamakailan sa socmed ang Netflix documentary film na pinamagatan na "American Murd3r: The Family Next Door". Ang kwento sa nasabing pelikula ay hango sa tunay na buhay at ito ay nangyari taong 2018 sa United States.

Bago pa man ilabas ang nasabing pelikula noong Setyembre 30, ang nangyari sa pamilyang Watts ay hindi gaanong napalabas o napagtuunan ng pansin sa labas ng USA.

Ang kaibahan lamang ng documentary na ito sa ibang mga programa ay wala itong narrator o kaya walang nagre-reenact ng mga pangyayari.

Lahat ng footage ay kuha mula sa socmed accounts ni Shanan Watts, sa cellphone ni Chris Watts, mga text messages sa kanilang mga kaibigan, body cams at panayam ng mga awtoridad, CCTV footage ng mga kapitbahay at ang mga report mula sa media.

Sa pinagsama-samang mga dokumento, makikita ang isang pamilya na mayroong dalawang anak na babae at isang bahay na mayroong tatlong kotse sa Frederick, Colorado. Tila isang perpekto at masayang pamilya ang mga Watts ngunit di kalaunan ay mayroon palang trahedya na babalot dito sa loob lamang ng ilang linggo.

Sa mga video na kuha mula sa cellphone, makikita si Chris Watts at ang kaniyang girlfriend na si Nichol Kessinger. Sa mga nasabing video, makikita na sila ay nasa kanilang secret vacation sa Great Sand Dunes, isang national park sa souther Colorado. Habang ang asawa naman ni Chris Watts na si Shanann at ang kanilang dalawang anak na sina Bella at Celeste ay nasa bakasyon sa North Carolina noong mga panahon na iyon.


Sa mga larawan, makikita na naghahalikan si Watts at Kessinger. Mayroon pa ngang video na kuha si Kessinger kung saan nagbibigay siya ng halik sa camera at sinasabi: "I'm having a wonderful time. You mean a lot to me. And I'm glad that you're having a blast."

Nagkaroon ng maraming larawan ang dalawa sa kanilang bakasyon noong Hulyo 28. Ayon sa mga reports ng mga police, ginamit ng dalawa ang sasakyan ni Kessinger para pumunta sa Sand Dunes. Ang mga larawan at video ay nakatagao sa Secret Calculator app ng cellphone ni Watt.

Kasama na dito ang mga larawan ni Kessinger na nakasuot ng bikini sa banyo na kuha pa ni Watts dahil ang kaniyang sarili ay nakikita sa salamin. Ang ilan naman ay makikita na walang suot si Kessinger sa iba't ibang lugar na kanilang pinuntahan.


Kung makikita mo ang mga larawan nang hindi alam ang tunay na kwento sa likod nito, maaaring isipin mo na sila ay ordinaryong magkasintahan lamang, Ngunit, ang mga larawan ni Watts kasama ang kaniyang pamilya ay parehas din na tila sila ay isang masayang pamilya. Ngunit, makalipas ang ilang linggo, sinasakal na niya si Shanan at pinat@y ang kaniyang dalawang anak at inilagay ang mga bangkay nito sa oil tankers.

Noong Hulyo 31, pumunta si Watts mula sa Denver papunta sa Raleigh, North Carolina para samahan ang kaniyang pamilya. Dumiretso siya kaagad sa bahay ni Kessinger.

Sa Denver airport bago ang kaniyang flight, inilipat niya ang 41 na larawan mula sa kaniyang camping trip kasama si Kessinger sa kaniyang Secret Calculator app.


Makalipas ang kalahating oras, tinext niya na si Shanann at sinabing: "On the plane. Love you Boo."

Si Kessinger na isang geologist ay nakilala si Watts noong June 2018 at nagkaroon sila kaagad ng relasyon makalipas lamang ang ilang linggo. Sila ay magkaibigan na sa Anadarko Petroleum at si Kessinger ay nagtatrabaho doon bilang site engineer.

Nawalan siya ng trabaho matapos kumalat ang kanilang relasyon. Gumugol pa siya ng ilang taon bago muling makahanap ng ibang trabaho.



Sinabi ni Kessinger sa mga awtoridad noong Agosto 16 na sinabi ni Watts sa kaniya na nasa proseso na ito ng pakikipag-divorce sa kaniyang asawa at hindi nabanggit na si Shanann pala noon ay 15-weeks ng buntis.

Ani Kessinger, "I thought what we had¦.it was very comfortable for me. I enjoyed it. I think he did very much as well. I know why he lied to me. He lied to me because if I'd have known that he had a child on the way, I would have never wasted my time with him in the first place. None of this would've even occurred."

Tinanggi din ni Kessinger ang pagkakasangkot niya sa pagp@tay.

You know, it wasn't fair to his family for him to have an affair. It wasn't fair to me to have him lie to me and make me think that everything is going to plan and still to this day I don't even know what's a lie and what's not."

Binunyag ni Kessinger na siya at si Watts ay nagpapalitan ng "I love yous" sa isa't isa.

"He definitely felt the urge to say it to me a lot more than I did to him because it was all just very new to me and it was like, take your time with this and you don't need to rush that, you know."

Bago pumunta sa pulis, binura na ni Kessinger lahat ng mga traces ni Watts sa kaniyang cellphone. Ngunit, nadiskubre ng mga imbestigador ang kaniyang web history ilang araw bago nangyari ang pagpat@y. Agosto 4 nang si Kessinger ay nagse-search na ng mga wedding dresses online sa loob ng dalawang oras.

Ayon sa report mula sa People noong July 24, sinearch daw ni Kessinger na "Man I'm having affair with says he will leave his wife". Agosto 8 naman nang sinearch niya ang topics katulad ng "marrying your mistress."

Isa pa sa mga pinagtatakhan ng mga tao ay ang biglaan na lamang pagkawala ni Kessinger. Walang kahit na anong balita mula sa kaniya simula nang huli niyang panayam noong 2018.

Noong Disyembre 17, 2018, iniulat ng Radar Online na si Kessinger ay nakasailalim sa witness protection dahil na din sa mga pagbabanta na natanggap niya.

Si Watts naman ay nasistensyahan ng five life terms nang walang kahit na anong makukuhang parole, na siya ay nagsisilbi sa Wisconsin Department of Corrections. Sa kaniyang kulungan, makikita ang mga larawan nina Shanann, Bella, at CeCe.

Pebrero 18, 2019 naman nang muling makapanayam si Watts ng Frederick Police Department at FBI sa loob ng limang oras.

Aniya, "If I never met (Kessinger) would I have ever thought our relationship was bad? Probably not. I never thought I would have strayed away from (Shanann)."

Sinabi ni Watts na alam ni Kessinger ang totong sitwasyon sa pagitan niya at ni Shanann nang ipakita niya dito ang larawan ng kaniyang pamilya sa kanilang cellphone. Ngunit, nais lamang daw ni Kessinger na isalba ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagtanggi na alam nito ang katotohanan tungkol sa kaniyang pamilya.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Nasaan Na Nga Ba Ngayon Ang Mistress Ni Chris Watts Na Si Nichol Kessinger?
Nasaan Na Nga Ba Ngayon Ang Mistress Ni Chris Watts Na Si Nichol Kessinger?
https://1.bp.blogspot.com/-BZnO5E5zIvE/X4mUEvHxd3I/AAAAAAACokM/hN5iqYOYRFgI1hKs7oPXnw2N7pFi6cARQCLcBGAsYHQ/w640-h336/cris%2Bnikki%2Bwatts.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-BZnO5E5zIvE/X4mUEvHxd3I/AAAAAAACokM/hN5iqYOYRFgI1hKs7oPXnw2N7pFi6cARQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h336/cris%2Bnikki%2Bwatts.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/10/nasaan-na-nga-ba-ngayon-ang-mistress-ni.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/10/nasaan-na-nga-ba-ngayon-ang-mistress-ni.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy