Ang edukasyon ay tinuturing bilang pinaka-importanteng bagay sa ating buhay. Ito kasi ang kailanman hindi makukuha o mananakaw sa atin ng ib...
Ang edukasyon ay tinuturing bilang pinaka-importanteng bagay sa ating buhay. Ito kasi ang kailanman hindi makukuha o mananakaw sa atin ng ibang tao. Kaakibat na din nito ang magiging kinabukasan natin.
Kaya naman maraming mga magulang na ninanais na maipasok ang kanilang mga anak sa magandang iskwelahan. Ang pagkakataon na makapag-aral sa mamahaling eskwelahan ay isa na ding pribilehiyo dahil hindi naman lahat ng tao ay nakapag-aral sa mga iskwelahang ito.
Ito ang ilan sa mga kilala at sikat na eskwelahan na madalas pinag-aaralan ng mga mayayaman na tao:
10. De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ)
Taong 1978 nang itayo ang eskwelahang ito. Ito ay matatagpuan sa isang exclusive village sa Alabang. Ang tuition fee dito ay hindi bababa ng P100,000. Mayroon ding pre-school, elemantary, highschool, at college sa paaralang ito. Mayroon din itong ino-offer na TESDA Courses para sa mga gustong mag Computer Services, Automotive, at Cooking.
9. Colegio San Agustin (CSA) Makati
Isang Co-Ed school naman ang Colegi San Agustin (CSA) Makati. Ito ay pinapamahalaan ng mga paring taga-sunod ni San Agustin o Order of Saint Augustine (OSA). Ang focus naman ng paaralan na ito ay ang pagpapahusay ng mga talento ng estudyante pagdating sa arts at sports. Ang tuition dito ay umaabot ng P107,000 kada taon at hindi pa kasama ang iba pang mga bayarin.
8. Ateneo de Manila University (ADMU)
Isa sa mga sikat na unibersidad sa bansa ay ang Ateneo de Manila University (ADMU). Ito ay pinamahalaan ng mga paring Heswita. Nalipat ito sa Katipunan Avenue, Loyola Heights, QC noong 1952. Kung nais mong mag-aral dito, ang tuition fee sa unibersidad na ito ay umaabot ng P130,000 sa isang taon. Hindi pa kasama dito ang iba pang miscellaneous na bayarin.
7. Xavier School (XS)
Pinapatakbo din ng mga paring Heswita ang Xavier School. Ang eskwelahan na ito ay para naman sa mga lalaki lamang. Inilipat ang unibersidad na ito sa Greenhills taong 1960. Ang tuition fee naman dito ay tinatayang P170,000 sa isang taon.
6. La Salle Green Hills
5. Reedley International School
Matatagpuan naman ang Reedley International School sa Pasig City. Ang tuition dito ay nagkakahalaga ng P170,00 kada taon. Hindi pa din dito kasama ang iba pang miscellaneous na bayarin.
4. Southville International School and Colleges (SISC)
Taong 1990 naman ng itinayo ang Southville International School and Colleges (SISC). Ito ay isa sa mga sikat na international school sa Maynila. Nagkakahalagang P200,000 ang tuition para sa mga gradeschool student. Ibig sabihin lamang mas mataas ang halaga ng babayaran ng mga High School student sa eskwelahang ito.
3. The British School Manila (BSM)
Ang British School Manila (BSM) ay isang international private school sa Pilipinas na itinatag noong 1976. Ito ay matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Taguig. Nagkakahalaga lang naman ng P400,700 ang tuition kada taon ng mga nasa grade 10-11 sa eskwelahang ito.
2. International School Manila (ISM)
1. Brent International School
Isang boadring school din ang Brent Interntional School na kasama ang Episcopal Church ng Pilipinas. Isa din ito sa pinakasikat na eskwelahan sa bansa. Ang tuition dito kada taon para sa mga grade 9-12 ay umaabot sa hanggang P402,000.
COMMENTS