Netizen, Kinuwestyon Ang Yaman Ni Nikko Natividad; Aktor May Maanghang Na Bwelta

Nakipagbuweltahan si Nikko Natividad, isang model at aktor, sa isang basher matapos umano kuwestyonin nito ang pagkakaroon niya ng malaking pera.

Nakipagbuweltahan si Nikko Natividad, isang model at aktor, sa isang basher matapos umano kuwestyonin nito ang pagkakaroon niya ng malaking pera.

Nito lamang nakaraang mga araw, napabalita na naging biktima ang isa ring Hashtag member na si Nikko ng isang scammer kung saan, nasa Php 4 milyon ang nawala sa kaniya. 

Isang babaeng nahuli sa entrapment operation ang umano’y nambiktima kay Nikko. Inamin mismo ni Nikko ang nangyari na ayon sa kanya ay bunga ng pagtitiwala niya sa maling tao.



Ngunit, sa kabila ng malungkot na pangyayaring ito kay Nikko, hindi pa rin siya tingilan ng mga basher. Kinikwestyon ng mga ito ang pagkakaroon niya ng ganoon kalaking halaga ng pera.

Kung kaya naman, hindi na napigilan pa ang sarili, pinatulan ni Nikko ang mga ito.  Tinanong siya kung saan galing ang kanyang Php 4 milyon gayong hindi naman daw ito basta-bastang kinikita sa pagsasayaw lamang nito sa programang ‘It’s Showtime'.

"Sainyo po galing customer nyo ako dati diba? Malakas kayo magbigay ng bonus,” sarkastikong sagot ng artista.

Dahil dito, hindi na napigilan pa ni Nikko na maglabas ng kanyang mga hinaing tungkol sa mga taong walang magawa kundi mambatikos at manghusga ng kapwa.

“Pag ang artista hindi naka ipon PINAGTATAWANAN NYO. Pag naman nakaipon sasabihin nyo “SAN GALING? Baka kwento ko sayo buhay ko MAPAGOD KA,” magpaghamong saad ni Nikko. 

Sinalaysay ngang tunay ni Nikko ang lahat ng kanyang mga naging trabaho at pagsisikap para lamang kumita ng ganoon kalaking pera. Hindi biro ang pinagdaanan ng Hashtag member, host, komedyante, at aktor upang magkaroon ng ganoong halanga ng pera pantustos sa sarili at sa pamilya niya. 

“Lahat ng pera ko pinaghirapan ko. 5yrs kong pinaghirapan sa showbiz at pag nenegosyo. Kaya hindi imposible yun. Kung di ka makapaniwala isip ka nalang ng blind item tutal dun ka kumikita sa paninirang puri,” ani Nikko.

Lingid sa kaalaman ng ibang tao, bukod sa 'It's Showtime', lumalabas rin ang aktor sa iba pang programa katulad ng 'Umagang Kay Ganda'. Hindi alam ng mga ito ang pagsisipag ni Nikko na mapasali sa mga pelikula o teleserye kahit na wala umanong linya para lamang makaipon ng pera.

“Sa mga nagtataka pa, para isahan nalang. Gumigising ako madaling araw para mag @ukg tapos deretcho @itsShowtimeNa tapos tatanggap ako teleserye kahet wala akong linya basta magkatrabaho ako. Tapos sideline sa mga pelikula kahet small role wala ako pakealam basta kumita."

“Sinusuyod ko mga fiesta mall show bday sa buong pilipinas para rumaket. Nagtitinda ako grahams sa abs at sa labas . Bedsheet ,sandals at youtube. Ngayon pag nagduda pa kayo may MALI na sainyo.”, dagdag ng aktor. 

Ayon pa kay Nikko, hindi niya lamang umano maintindihan kung bakit nagagawa pang manghila ng mga taong ito sa kanya kahit naging biktima na nga siya ng isang panloloko na hindi niya naman ginusto.

Kilala si Nikko bilang isa sa mga artistang walang takot na patulan at sagutin ang mga paratang ng bashers sa social media.

Kamakailan lamang, isang basher ang galit na galit dito at tila hinamon pa ng saksakan. 

"Ayoko makipagkita sayo. Ang panget mo. Baka mamaya utangan mo pa 'ko." tugon ng aktor. 

Pinagtawanan lang ito ni Nikko pero ang ilan sa mga sumusuporta sa aktor ay nagpatid ng pag-aalala at sinabing dapat ay ipa-blotter ang naturang basher

Naghamon pa ang artista na subukan siya ngayong hindi na raw siya artista. Ito ay matapos ngang ipasara ang ABS-CBN, kung saan ito nagtatrabaho.

Pinag-uusapan rin sa social media ang mga ganitong banat ni Nikko. Natutuwa rin ang iba na hindi siya nagpapaapekto sa mga paninirang puri ng mga ito.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Netizen, Kinuwestyon Ang Yaman Ni Nikko Natividad; Aktor May Maanghang Na Bwelta
Netizen, Kinuwestyon Ang Yaman Ni Nikko Natividad; Aktor May Maanghang Na Bwelta
Nakipagbuweltahan si Nikko Natividad, isang model at aktor, sa isang basher matapos umano kuwestyonin nito ang pagkakaroon niya ng malaking pera.
https://1.bp.blogspot.com/-8OVsQ3_Bf1c/X09_KMW3yjI/AAAAAAACghk/FC263v9BPsYmPO5SMoUON9boI10NvIyugCLcBGAsYHQ/s640/natividad%2Bscam.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-8OVsQ3_Bf1c/X09_KMW3yjI/AAAAAAACghk/FC263v9BPsYmPO5SMoUON9boI10NvIyugCLcBGAsYHQ/s72-c/natividad%2Bscam.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/09/netizen-kinuwestyon-ang-yaman-ni-nikko.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/09/netizen-kinuwestyon-ang-yaman-ni-nikko.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy