Lalaking Palaboy, Binigyan Ng Trabaho At Apartment Kapalit Ng Isinauling Wallet

Isang “Homeless Man” sa Thailand , binigyan ng matitirahan at trabaho bilang gantimpala sa pagsasauli ng pitaka na may lamang limpak-limpak ...

Isang “Homeless Man” sa Thailand, binigyan ng matitirahan at trabaho bilang gantimpala sa pagsasauli ng pitaka na may lamang limpak-limpak na salapi.

“Ang may mabuting kaloban, may gantimpalang nakalaan.”,isa na lamang 'yan sa mga kasabihan na hanggang ngayo'y pinapaniwalaan sapagkat marami na rin ang nakapagpatunay.

Kagaya na lamang ng Homeless Man na kinilala bilang si Woralop na isang 45 anyos na lalaki, walang sariling bahay at wala ring trabaho. 

Ayon sa kuwento ni Woralop, isang araw habang siya'y naglalakad, bigla na lamang nalaglagan ng pitaka ang lalaking nasa kaniyang unahan.

Nang pinulot niya ito at tinignan, nagulat daw siya sa laman. Nagkakahalagang 20,000 baht o higit kumulang nasa 30,000 pesos ang nasa pitaka.

Kahit na salat na salat na siya sa buhay, walang sariling tirahan at pinagkakakitaan, hindi pumasok sa kaniyang isipan na kuhanin na lamang ang pera at pakinabangan, bagkus at kaniya pang hinabol ang lalaki, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito naabutan.

Kaya napagdesisyunan niya na lamang na dumiretso sa pinakamalapit na istasyon ng pulis at ipagbigay alam ang tungkol sa nakaligtaang pitaka. Hindi nagtagal at nakontak na nila ang may-ari at sinabihang pumunta sa naturang istasyon upang kuhanin ang pagmamay-ari na pitaka.

Napag-alaman na isa palang negosyante at may-ari ng kompanya ng bakal sa Thailand ang nawalan na si Nitty Pongkrianyos.

Natuwa ang lalaki sa katapatang ipinamalas ni Woralop. Nang malaman niyang walang hanapbuhay ang huli, agad niyang inalok ng trabaho sa kaniyang kompanya.


Maliban dito, binigyan din si Woralop ng kuwarto sa Employee Hostel ni Nitty. Nagmagandang-loob din ang nobya ng huli, na si Tarika Patty, at binilhan ng mga gamit ang tapat na lalaki.

Ang paggawa ng kabutiha'y nagbibigay kaluguran, sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo. Isang “inspirasyon” kung matatawag ang mga taong katualad ni Woralop, na nananatiling tapat sa sarili at sa iba. Higit sa lahat, sa Diyos. 

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Lalaking Palaboy, Binigyan Ng Trabaho At Apartment Kapalit Ng Isinauling Wallet
Lalaking Palaboy, Binigyan Ng Trabaho At Apartment Kapalit Ng Isinauling Wallet
https://1.bp.blogspot.com/-QnL9XGuPfN8/XzDz8e6J7YI/AAAAAAACetQ/i9ib6o0t194NScKpL5ZXJ0aWzJxT4Y6cACLcBGAsYHQ/s640/apartment%2Bwallet.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-QnL9XGuPfN8/XzDz8e6J7YI/AAAAAAACetQ/i9ib6o0t194NScKpL5ZXJ0aWzJxT4Y6cACLcBGAsYHQ/s72-c/apartment%2Bwallet.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/08/lalaking-palaboy-binigyan-ng-trabaho-at.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/08/lalaking-palaboy-binigyan-ng-trabaho-at.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy