Sunshine Cruz, Isiniwalat Kamakailan Ang Mapait Na Karanasan Sa Unang Gabi Pa Lang Ng Kasal Nila Ni Cesar Montano

"Sa sobrang saya ko ngayon, lahat ng kaaway ko, kahit yung mga may utang sa akin, patatawarin ko! Ngayong araw lang, ha!" Yan na l...


"Sa sobrang saya ko ngayon, lahat ng kaaway ko, kahit yung mga may utang sa akin, patatawarin ko! Ngayong araw lang, ha!"


Yan na lamang ang mga katagang nasambit ni Sunshine Cruz sa naging panayam niya sa PEP.ph noong Setyembre 18, 2018 dahil iyon din ang araw na nagdesisyon ang korte tungkol sa annulment case nila ng dating asawang si Cesar Montano.


Matapos ang apat na taon, tinapos na din ng korte ang kanilang 13 taong kasal. Sa ngayon, nasa puder naman niya ang kanilang tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha, at Chesca.



Pahayag ng Kapuso actress,


"Annulled na ako! Napasigaw talaga ako nung nalaman ko. Yung malakas na sigaw, dinig hanggang baba! Nagulat buong bahay!"


Ang dapat sanang house shoot at interview mula sa actress ay naging espesyal na interview para kay Sunshine dahil iyon ang unang opisyal na araw na siya ay isang single woman muli.


Si Sunshine at Cesar ay nagpakasal noong Setyembre 14, 2000. 24 taong gulang lamang noon si Sunshine habang 38 naman si Cesar.




Napaka-engrande din ng kanilang kasal noon na ginanap pa sa Manila Baby at maging ang mga kilalang personalidad at ilang politiko ay dumalo sa kasal. Alam ni Sunshine na ang pagmamahal ni Cesar para sa kaniya ay tunay. Aniya,


"I know, I know that he really loved me, alam ko yun. Hindi niya ako papakasalan kung hindi niya ako minahal--at mahal na mahal ko siya, talagang I fell for him. Talagang kinilig ako sa kanya lalo na nung pinapanood niya sa akin yung Jose Rizal."


Pagbabalik tanaw pa ng actress,


"Parang, shucks, di ba? Nililigawan ako ng isang ganun. He was really charming, napakasimpatiko talaga, e, and saka guwapo naman talaga. 'Tapos, napakagaling na artista. And yun nga, naniwala lang ako nung sinabi niya na, 'Sawa na ako sa kalokohan, sa pambababae.'"




Saad pa ni Sunshine na ang mga katagang ito ang siyang sinabi ni Cesar sa kaniyang ama na si Danny Cruz.


Masaya siya noon dahil siya ang kauna-unahang nagpabago sa pagiging babaero ni Cesar. Naging role model din niya noon ang kaniyang mga magulang dahil sa tagal at tibay ng pagsasama ng mga ito kaya naman siya ay nanatili din kay Cesar sa loob ng 13 taon.


"So yun yung, parang, I was thinking na pag kinasal ka na, fairytale na, and we live happily ever after. Magkakaroon ka ng mga anak, and we'll be happy. Ganoong-ganoon ang iniisip ko noon."


Ngunit, hindi ito nagtagal dahil nadiskubre ni Sunshine na ang buhay pala na mag-asawa na inaakala niya ay hindi pala ganoon ang mangyayari.



Kwento ni Sunshine,


"Masakit man aminin, pero honeymoon pa lang. Tinapon niya yung wedding ring namin sa ano, nung nag-Carribean cruise kami."


Sinabi din ng actress na nagsimulang gawin ni Cesar na isyu lahat ng mga naging pelikula ng actress. Kwento pa ni Sunshine na noong sila ay nasa honeymoon, sinabi ni Cesar na aminin na ng actress na ang mga s3x scenes niya sa ilang pelikula ay totoo. Kahit pa man natakot siya noon kay Cesar, pinili niya pa ding lumaban dito.




Hanggang ngayon, inaamin ni Sunshine na hindi niya pa din maintindihan si Cesar kung bakit nagiging isyu dito ang kaniyang mga s3xy movies.


"It's just unfair for me. Siya ang first boyfriend ko! So what is there to prove?"


Doon pa lang alam na ni Sunshine na ang lalaki na kaniyang pinakasalan ay hindi lamang mainitin ang ulo kung hindi isang magulang lalaki.


"Baka talaga medyo may temper lang. Yun yung iniisip ko--may temper lang. 'Tapos, lagi sa 'kin sinasabi ng ibang tao na, 'Maybe you just have to prove your worth as a person.' Ganun na lang lagi. That's what I did. Napasubo na ako, kasal na ako--anong gagawin ko?"



Noong Disyembre, umalis si Sunshine sa kanilang bahay sa Quezon City habang kasagsagan ng celebration para sa Christmas Day at sinama niya sa kaniya ang mga anak na babae. Ito ay matapos nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Cesar at Sunshine. Ito din ang panahon na naghihinala na si Sunshine na mayroong ibang babae ang actor na isang Brazilian model na si Mariana del Rio.


Ngunit, binalik lamang sa kaniya ni Cesar ang isyu at sinabi pa sa kaniya na siya ay isang p0rn star lamang. Dahil dito, pinili ni Sunshine na umalis sa kanilang bahay.


Inamin din ni Sunshine na ilang beses na siyang umalis sa bahay nila ni Cesar.


"Sa totoo lang naman e aminado 'ko na maraming beses ako nag-alsa balutan. Maraming beses tatakbo ako sa nanay ko, sa parents ko, kasama lahat ng gamit ko. May balikbayan boxes na nga akong available, e. Pero makalipas ang ilang araw, susunduin niya ako sa bahay, kakausapin niya yung parents ko."



Sinabi ng 'Love Thy Woman' actress na siya ay nanatili sa kanilang pagsasama dahil mahal na mahal niya ang lalaki na kaniyang pinakasalan.


"I really fell in love with him. It's ano naman, e, talagang something na I will never deny."


Saad ni Sunshine, napagdesisyunan niyang tapusin ang relasyon kay Cesar matapos niyang malaman na ito ay mayroon ng ibang babae na kinakausap. Ito ay si Krista Miller, ang naging leading lady ng actor sa isang pelikula.


Taong 2013, napagdesisyunan ni Sunshine na iwan na ng tuluyan si Cesar. Ngunit, ang kanilang away at di pagkakaintindihan ay napunta sa korte.



Maliban sa pagloloko ni Cesar, sinabi din ni Sunshine na siya ay nakakaranas ng pang aabuso sa kamay ng kaniyang asawa. Kaya naman nagsampa ng kaso ang actress laban sa dating asawa.


Laking pasasalamat din ni Sunshine sa kaniyang trabaho bilang actress dahil nagagawa niyang suportahan mag-isa ang tatlo nilang anak. Nagbibigay naman si Cesar sa kaniyang mga anak kagaya ng tuition fee at bayad sa sasakyan papunta at pauwi sa kanilang tahanan.


Noong Setyembre 18, 2018, nakuha na ni Sunshine ang kalayaan na matagal na niyang ninanais na makuha.


Sa ngayon, masaya na ang actress kasama ang kaniyang tatlong anak at bagong kinakasama na si Macky Mathay.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Sunshine Cruz, Isiniwalat Kamakailan Ang Mapait Na Karanasan Sa Unang Gabi Pa Lang Ng Kasal Nila Ni Cesar Montano
Sunshine Cruz, Isiniwalat Kamakailan Ang Mapait Na Karanasan Sa Unang Gabi Pa Lang Ng Kasal Nila Ni Cesar Montano
https://1.bp.blogspot.com/-87L1x7jAB_4/Xu__Xkg_NbI/AAAAAAACX8s/JbdAJNtvTbcbJEHIMDJx-Y5J7HvMIcrNQCK4BGAsYHg/w640-h336/sunshine%2Bweds%2Bcesar.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-87L1x7jAB_4/Xu__Xkg_NbI/AAAAAAACX8s/JbdAJNtvTbcbJEHIMDJx-Y5J7HvMIcrNQCK4BGAsYHg/s72-w640-c-h336/sunshine%2Bweds%2Bcesar.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/06/sunshine-cruz-isiniwalat-kamakailan-ang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/06/sunshine-cruz-isiniwalat-kamakailan-ang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy