Nito lamang nakaraan, ipinahintulot na ng Department of Education o DepEd ang Online Schooling sa nalalapit na pagpapasimula ng klase. Bagam...
Nito lamang nakaraan, ipinahintulot na ng Department of Education o DepEd ang Online Schooling sa nalalapit na pagpapasimula ng klase. Bagaman may ilan na makakapag-aral gamit ito, maraming mahihirap na pamilya ang umapela sa desisyong ito ng DepEd.
Para makapag-aral sa online school, kailangan ng isang estudyante na magkaroon ng sariling device at connection sa internet. Pero hindi lahat ng pamilya ay may kakayahan na bumili ng gadget o magpakabit ng internet o gumastos ng load para sa data.
Ang mg hinaing namang ito ng maraming magulang na walang kakayahan ay nakatawag-pansin sa aktres at pilantropong si Heart Evangelista.
Kilala si Heart sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kaya naman, para maibsan ang hinaing ng maraming magulang, ipinasya ni Heart na mamahagi ng tablet na magagamit ng mga estudyante sa kanilang online schooling.
June 04, ibinahagi ni Heart sa kaniyang IG account ang kahun-kahon ng mga tablet na ipamamahagi niya.
Mababasa sa caption, "I heard having a tablet or computer is a requirement for online classes so I will do the best I can. I’m sorry I can’t help everyone but I will try to help as much as I can."
Sa kaniyang tweeter account naman, hinikyat niya ang mga mahihirap na mga estudyante na mag-direct message sa kaniya para mabigyan niya ng tablet.
Ayon sa post, "For those who don't have a tablet for online school please DM me on IG. I will be giving away as many tablets as I can."
Marami namang estudyante ang tumugon sa post ni Heart at nagdirect message sa kaniya. Isa na rito ang batang si Mark na nag-upload ng video na humihingi ng tulong sa aktres.
Aniya, sana ay isa siya sa mabigyan ng tablet. Hindi naman nabigo si Mark dahil nagreply si Heart sa kaniya, "Mark, you inspire me to do so much more. God bless you sweetheart. Sending you a DM right now!"
Nakikipagtulungan naman si Hearts sa kumpanya ng Cherry Mobile upang maisakatuparan ang kaniyang pangako sa maraming mahihirap na estudyante.
Nagpasimula na ring mamahagi si Heart ng mga tablet sa mga estudyante. Bagaman inamin niya na hindi niya matutulungan ng lahat, nangako naman siya na magbibigay ng tulong sa abot ng kaniyang makakaya.
COMMENTS