Sino nga ba naman ang hindi makakalimot sa cute na cute na batang nagngangalang BJ Forbes o mas kilala bilang Tolits, na lumabas sa isang pa...
Sino nga ba naman ang hindi makakalimot sa cute na cute na batang nagngangalang BJ Forbes o mas kilala bilang Tolits, na lumabas sa isang patalastas ng sikat na sabong panlaba sa telebisyon.
Nakilala sya sa kanyang sikat na linyang “Lagi na lang ako, ako, ako,ako” sa patalastas. Lalo din sya nakilala noon ng lumabas sa isang sikat na noontime show na Eat Bulaga kung saan nakasama si Bossing Vic Sotto.
Ibinahagi ng YouTube Channel na “WhatsUp Pinoy” ang ilang sa mga balita at update patungkol sakanya matapos nitong iwanan ang Philippine entertainment Industry.
Matatandaan na sa kasikatan ni Tolits ay nagkaroon ito ng pagkakataon na lumbas sa ilang program sa telebisyon sa GMA-7, katulad ng Fantastikids, Full Haus, at Etheria.
Ang dating bata noon ay napakalaki na ng pinagbago at isa na itong ganap na tatay. Si BJ “Tolits” Forbes ay mayroon ng anak na 2 months old na babae.
Sa kabila ng batang edad nito sa pagiging tatay at asawa ay kinakaya nito, kaya naman maraming tao ang humahanga sakanya.
Bagama’t hindi na ito aktibo sa showbiz ay aktibo naman ito sa kanyang social media account. Kung saan ibinabahagi nito ang ilan sa mga video at larawan ng kanyang cute na cute na baby.
Sa ngayon masaya si BJ sa kanyang kasintahan na nasa limang taon na ng kanilang relasyon.
Para sa mga hindi na kakakilala at nakalimot kung sino nga ba si BJ Tolits, maaari niyong panaorin ang sikat na patalastas noon na ibinahagi ni Jeluz Imperial sakanyang YouTube Channel.
Ang video ay mayroon ng mahigit na 100,000 views online.
Tunay ngang napakabilis ng paglipas ng panahon kung saan ang dating mga bata noon ay napakalaki na ng pinagbago at iniunlad ngayon.
Isang paalala na sa paglipas ng araw ay wag nating kalimutan na pahalagahan ang bawat sandaling lumilipas.
COMMENTS