Sa Facebook page na SKWID, ibinahagi ng artist na si Marvin Tiberio ang mga obra na kaniyang nagawa gamit lamang ang mga bagay na makikita sa bakuran.
Hinikayat ng isang artist mula sa Davao ang kaniyang mga kapwa painter na hindi dahilan ang pagiging mahirap at walang pambili ng mga gamit upang tumigil o sukuan ang kanilang pangarap na gumawa o lumikha ng kanilang obra dahil marami silang mga bagay na maaaring gamitin bilang alternatibo.
Sa Facebook page na SKWID, ibinahagi ng artist na si Marvin Tiberio ang mga obra na kaniyang nagawa gamit lamang ang mga bagay na makikita sa bakuran o kusina katulad ng luyang dilaw, tinta ng pusit, blue ternate flower, at atsuete.
Sa naging panayam ni Marivn sa ANC, naikwento niya na acrylic pa ang ginagamit niya noong panlikha, ngunit dahil may kamahalan, umisip na lamang siya ng mga bagay na maaari niyang gamitin bilang alternatibo upang makagawa siya ng obra.
Saad ni Marvin,
"Look for grasslands there's a lot of colorant plants and wild flowers. Squid inks are are being thrown by some squid eaters thinking its of no use, but one of the best and strong dye ever."
Nagbigay pa siya ng ilang rekomendasyon na maaaring gamitin tulad ng uling, putik, saw dust, at lupa.
Payo niya, "If you can't afford expensive brushes, used old toothbrush, fingers, comb, crumbled used papers, used syringe (not medical), used sprayer, basin, strainer and many more to count."
Saad pa niya, madalas niyang ginagamit ang tinta ng pusit sa mga obra na kaniyang nililika.
Nang siya naman ay tanungin kung naiiwan ba ang amoy ng pusit sa obra, sinabi niya na tuwing natatapos niya ang painting ay binabasa niya ito uang mawala ang amoy ng tinta ng pusit.
“May amoy siya pero kapag binasa ‘yung finished na painting nawawala yung amoy ng tinta ng pusit. Cheer up mga ka-sining! Artists are creative and resourceful.”
COMMENTS