Nabigla ka rin ba sa presyo ng bahay na ito? Sino ba naman ang mag aakala na ang simpleng disenyo na bahay kubo na ito ay aabot ng 1.7 milli...
Nabigla ka rin ba sa presyo ng bahay na ito? Sino ba naman ang mag aakala na ang simpleng disenyo na bahay kubo na ito ay aabot ng 1.7 million pesos?!
Kadalasan makikita ang mga bahay kubo sa mga probinsya. Sa ka dahilanan na ito ay nagbibigay ng simpleng atraksyon at talaga namang mahangin kapag gawa sa kawayan ang nais ipatayong bahay.
Ngunit, kakaiba ang bahay kubo na matatagpuan sa Davao del Sur. Karamihan kasi, mas pinipili ng mga tao ang gumawa ng bahay na yari sa mga kawayan dahil mura lang ang magagastos dito. Ngunit kakaiba ang kubo na ito dahil milyong milyong halaga ang nagastos sa pag papagawa nito.
Ayon sa isang artikulo na Choose Phillipines, inilabas nito ang rason kung bakit nga ba umabot sa ganitong kalaking presyo ang bahay kubo na ito.
Ang nasabing bahay kubo ay matatagpuan sa Barangay New Sibunga, Kiblawan, Davao del Sur., kung saan pagmamay ari ng mag asawa na sina Marcelo at Amelia Alqueza.
Dahil sa kamahalan nga naman ng bahay na ito, ay isa ito sa mga naging dahilan kung bakit naging sikat at kadalasan pinupuntahan ng mga turista upang makunan ng litrato.
Yari sa mga kawayan o bamboo ang paggawa ng bahay na ito mula dingding, upuan, cabinet, higaan at iba pang mga gamit dito. Gawa naman sa Cogon grass ang bubong nito at gawa naman sa rattan ang mga pintuan dito.
Napag alaman din na kayang tumagal ng limangpung (50) taon ang bahay na ito. Ang bahay ay siya ring gawa ng isang miyembro ng T'boli na nanggaling sa Lake Sebu, South Cotabato.
Ang bahay ay siyang pangarap ng mag asawa na ipundar sa rason na mahangin, maaliwalas, at eco friendly pa dahil sa mga materyales na ginamit dito.
COMMENTS