Dating Beauty Queen, Isiniwalat Ang Maruming Kalakaran Diumano Sa Likod Ng Mga Pageant

Kamakailan lamang, binunyag ng beauty queen na si Janina San Miguel ang diumano'y maruming kalakaran na na nagyayari sa beauty pageantry...


Kamakailan lamang, binunyag ng beauty queen na si Janina San Miguel ang diumano'y maruming kalakaran na na nagyayari sa beauty pageantry.


Sa kaniyang panayam sa Undercover Asia, isang investigate series na umeere sa Channel NewsAsia (CNA), English-language news channel na nakabase sa Singapore, inamin ni Janina ang hindi magandang kalakaran na nangyayari sa loob ng pageantry, isa na nga dito ang striktong patakaran ng organizers. Bukod pa dito, nakaranas din si Janina ng s3xual h@rassment at indicent proposals bilang title holder.


Ang panayam na ito ay parte ng episode na pinamagatang 'The Hidden Side of Philippines Beauty Pageants' na in-upload naman sa YouTube noong Mayo 2, 2020.



Sabi pa ni Janina na pinagsisihan niya din talaga ang pagsali niya sa Binibining Pilipinas. Aniya,


"Kung pagbibigyan ulit ako, sana hindi na lang ako nag-join sa pageant."


Matapos mapanaluhan ang korona bilang Binibining Pilipinas-World, nakakaranas pa din si Janina ng hindi magandang pamamalakad ng organizations sa mga winners.


Ang organisasyon na tinutukoy ni Janina ay ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na siyang naghahawak ng local franchise ng major international pageants katulad ng Miss International, Miss Universe, at Miss World.




Sa report ng Undercover Asia, ginamit ang salitang 'ruthless' para determinahin ang striktong patakaran ng BPCI para sa kanilang mga title holders.


Nasaksihan din ni Janina na sumabak sa isang rigid training para sa gagawin nilang pagsali sa international pageants.


“Nandun nga ako sa loob ng Araneta, yun nga yung pinapanood ko, yung ano, yung mga pageants to get some ideas kung paano nanalo yung iba, yung former beauty queens during that time.”


Lahat din ng mga bagay na maaaring maging sanhi ng kanilang pangamba ay tinanggal din umano ng organisasyon, katulad ng pakikipagkita sa kanilang pamilya at pagkakaroon ng mobile phone.



"Wala nga akong phone, wala ding computer. There’s a point in time na nandun na yung brother ko, tsaka yung daddy ko sa labas. Pero sabi nung guard, ‘Since wala kayong appointment, umuwi na lang kayo.’" pagbabahagi ng former beauty queen.


“Accidentally na narinig ko yung lolo ko nga nasa hospital na. And balak pa nila, ayaw nilang sabihin sa akin na yung lolo ko, mamamatay na, because I’m in the middle of training. So, ayaw nilang parang ma-distract ako.”


Ang pagkakaroon ng endorsements ay isa din sa mga prize package na kasama sa pagiging title holders. Ngunit, sa likod ng mga ito, mayroon pa ding maruming kalakaran na nagaganap kagaya na lamang ng indecent proposals.


“Tapos nung nandun na kami, sinabi na three million [pesos] for a 0ne-night stand.”



Ang mga beauty queen o title holder ay magkakaroon ng malaking pera kapag sila ay pumayag sa long-term condition.


“Yung 25 million, ano yun, gagawin ka niya parang girlfriend, bibigyan ka niya ng car, condo, resort, lahat… Ayun na nga, maduming kalarakan nila. Andami talagang gustong maging girlfriend or wife ang isang beauty queen,” pagbubunyag ni Janina.


Si Janina ay nagbitiw bilang Bb. Pilipinas-World noong Setyembre 2008. Tatlong buwan lamang ang nakakalipas bago ganapin ang Miss World 2008 sa South Africa. Sinabi ni Janina na personal ang naging rason niya noon kung bakit pinili niyang umalis sa pageant, partikular na ang pagp@naw ng kaniyang lolo.



Sa naging pag-alis ni Janina, pinalitan naman siya ni Danielle Castano, ang first-bact sa batch nina Janina. Matapos magbitiw sa pageant, pinili na lamang ni Janina na mamuhay ng simple at normal.


“Nakuha ko na yung… which is experiences, and rather than that, wala na. To tell you honestly, I’m really not happy during that time.”


Inamin din ni Janina na hindi niya sinama sa kaniyang resume ang pagiging pageant title-holder dahil baka lamang makasama ito sa kaniyang aplikasyon.


“Gusto kong magkaroon ng normal na work, in-insert ko dun sa mga experiences ko yung pagiging title-holder… So, sabi ng tita ko, ‘Alisin mo ‘yan sa resume mo, iba pang iisipin sa iyo ng mga tao.”




Si Janina ay kasal na ngayon sa isang Indian national. Sa kasalukuyan, siya ngayon ay nagtatrabaho bilang call-center agent sa isang multinational company. Napaka hands-on din ni Janina sa kaniyang pamilya.


“Much important yung family ko rather than yung wealth and fame. Parang ang gulo-gulo showbusiness, ang daming indecent proposal din.”


Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang nagkaroon ng hating reaksyon sa rebelasyon ni Janina. Ang ilan ay humanga sa kaniyang katapangan sa pagbubunyag sa kaniyang nalalaman habang ang iba naman ay kinondena ang kaniyang pahayag,


Sa ngayon, wala pa namang sagot ang BPCI sa mga alegasyon ni Janina laban sa kanila.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Dating Beauty Queen, Isiniwalat Ang Maruming Kalakaran Diumano Sa Likod Ng Mga Pageant
Dating Beauty Queen, Isiniwalat Ang Maruming Kalakaran Diumano Sa Likod Ng Mga Pageant
https://1.bp.blogspot.com/-qmavemlycIY/XuNIxzZ_qgI/AAAAAAACVbg/FBqjElh3v-4veAOKDsoTFkUqeIf8DANIgCK4BGAsYHg/w640-h336/janina%2Bmiguel%2Bsecret.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-qmavemlycIY/XuNIxzZ_qgI/AAAAAAACVbg/FBqjElh3v-4veAOKDsoTFkUqeIf8DANIgCK4BGAsYHg/s72-w640-c-h336/janina%2Bmiguel%2Bsecret.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/06/dating-beauty-queen-na-si-janina-san.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/06/dating-beauty-queen-na-si-janina-san.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy