Daryl Ong, Matapang Na Isiniwalat Ang Dahilan Bakit Biglaan Silang Tinaggal Ni Bugoy Drilon Sa ABS-CBN

Kamakailan lamang, binunyag ng singer at songwriter na si Daryl Ong na hindi na siya parte ng Kapamilya network dahil siya ay naka-banned na...


Kamakailan lamang, binunyag ng singer at songwriter na si Daryl Ong na hindi na siya parte ng Kapamilya network dahil siya ay naka-banned na mula sa nasabing network.


Sa isang video clip na in-upload niya sa kaniyang YouTube channel noong Lunes, Hunyo 15, kinumpirma ni Daryl ang issue na siya ay naka-banned na nga mula sa ABS-CBN dahil sa nangyaring insidente bago pa man tumigil ang operasyon ng ABS-CBN at ang enhanced community quarantine (ECQ).


Kwento ni Daryl, naghihintay siya noon sa airport kasama sina Michael Pangilinan at Bugoy Drilon o kilala bilang BuDaKhel para sa kanilang magiging show sa Iloilo. Habang sila ay naghihintay, nakausap nila ang dating empleyado ng ABS-CBN.



Napag-usapan pa nila ang isyu ng ABS-CBN tungkol sa franchise renewal nito. Nabanggit pa nga ni Bugoy ang online petition na layon na makakolekta ng isang milyong pirma para sa franchise renewal ng network.


Pagbabahagi ni Daryl,


“Parang sabi ni Bugoy, 60,000 na lang yung kulang para mabuo yung one million. Ako naman nakita ko rin yun. Ang pagkakakita ko naman 60,000 pa lang yung nagsa-sign. So sabi ko kay Bugs (Bugoy) hindi, hindi 60,000 na lang, 60,000 pa lang at anong petsa na… May deadline po kasi yun eh nung time na ‘yun.”



“Tapos nagdagdag ako ng comment na, sabi ko, mahirap ‘yan, naku malabo na yan, mahirap yan, kalaban ba naman nila ang gobyerno, si Presidente ba naman ang kalaban, so malabo na yan,” dagdag pa niya.


Ang tinutukoy naman dito ni Daryl ay ang dating pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang hindi matuloy ang franchise renewal ng ABS-CBN matapos umanong hindi i-ere ng nasabing network ang 2019 presidential elections campaign ads ni Pangulong Duterte.



Matapos ang kanilang show sa Iloilo, nakatanggap naman si Daryl ng tawag mula sa kaniyang manager at sinabi sa kaniya na na-irecord ng lalaking katabi nila ang buong pag-uusap. Ito ay nakarating sa isa sa mga big boss ng ABS-CBN.


“Yung guy na nag-record sa convo namin about franchise issue, nagkataon na kaibigan pala ng isa sa mga big boss sa ABS-CBN. So apparently, pinarinig ‘yung recording at ang dating sa kanila wala kaming utang na loob or parang pinag-uusapan namin yung franchise issue and it seems na wala daw kaming concern.”


Nang sila ay makabalik na sa Manila, sinabihan naman kaagad sila ng kanilang managers na sila ay naka-banned na sa ABS-CBN at pinagbabawalan na lumabas sa kahit anong shows ng TV giant.




“Daryl banned kayo ni Bugoy sa ABS-CBN. Meron ng batas na bawal na kami lumabas sa lahat shows ng ABS-CBN. Ang dating sa akin personally, ang impression sa kanila is kumakampi kami sa fact na hindi mare-renew yung license. So, hindi na kami nabigyan ng chance magpaliwanag.”


Sinabi din ni Daryl na napag-desisyunan niyang sabihin ang totoong dahilan kung bakit nakikita na sila ngayon na nagkakaroon ng performance sa GMA-7 at para na din matigil ang mga tsismis na kumakalat sa socmed tungkol sa kanila.


“Yun nga po. Hindi po ako ang umalis sa ABS-CBN. Tinanggal po ako. Banned po ako. Dahil nga dun sa insidente na napagkwentuhan namin ang franchise issue and nakarating sa isang boss, at ang impression sa kanila e may kinakampihan kami.”



Kahit pa man nadismaya si Daryl dahil hindi man lang pinakinggan ng network ang paliwanag nila, lubos pa din ang pasasalamat niya dito para sa tulong na ibinigay sa kaniya upang makamit ang mga pangarap.


“Nakakalungkot lang na hindi kami nabigyan ng chance magpaliwanag or hindi man lang kami kinausap ng boss na nag-ban sa sa amin.


“Wala na po ako sa ABS-CBN. Wala na po ako sa Kapamilya network. Pero wala po akong galit sa Kapamilya network. Wala po akong karapatan na hindi maging mapagpasalamat dahil sila naman talaga ang nagbigay ng oppputrtunity sa akin bilang artist na makatawid sa mainstream. Kaya habang buhay kong ipagpapasalamat yun.”


COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Daryl Ong, Matapang Na Isiniwalat Ang Dahilan Bakit Biglaan Silang Tinaggal Ni Bugoy Drilon Sa ABS-CBN
Daryl Ong, Matapang Na Isiniwalat Ang Dahilan Bakit Biglaan Silang Tinaggal Ni Bugoy Drilon Sa ABS-CBN
https://1.bp.blogspot.com/-9DN-BOP3iXs/XuqSs1b7aHI/AAAAAAACWXk/PCpouVPY4iQUuTBUfc_vpAJi3PMeswLAgCK4BGAsYHg/w640-h336/daryl%2Bbugoy%2Bconcert.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-9DN-BOP3iXs/XuqSs1b7aHI/AAAAAAACWXk/PCpouVPY4iQUuTBUfc_vpAJi3PMeswLAgCK4BGAsYHg/s72-w640-c-h336/daryl%2Bbugoy%2Bconcert.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/06/daryl-ong-matapang-na-isiniwalat-ang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/06/daryl-ong-matapang-na-isiniwalat-ang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy