Ibinahagi niya na pagkatapos ng aksidente, mayroon siyang natagpuan na isang love letter mula sa namayapa niyang asawa.
Kasama niyang nasawi ang anak na si Gianna Maria-Onore at ilan pang magulang at kanilang mga anak. Naiwan niya ang kaniyang asawa na si Vanessa Laine Bryant at 3 pang anak.
Nagpahayag naman nng matinding kalungkutan si Vanessa sa socmed tungkol sa biglaang pagkamatay ng kaniyang asawa at anak.
Ibinahagi rin niya na pagkatapos ng aksidente, mayroon siyang natagpuan na isang love letter mula sa namayapa niyang asawa. Ang liham na ito ay para sa nalalapit na kaarawan sana ni Vanessa.
Sinabi ni Vanessa sa kaniyang socmed account, “Yesterday I found an envelope labeled To: The Love of my Life. From, Tu Papi. I waited to open one more letter on my birthday. It gave me something to look forward to today.”
Noong Mayo 1 naman, inaalala rin nila Vanessa ang birthday ng kaniyang namayapang anak na si Gianna na 14 taong gulang na sana ngayon at nung Mayo 5 naman, ipinagdiwang ni Vanessa ang kaniyang ika-38 kaarawan.
Miss na miss naman ni Vanessa ang kaniyang mag-ama lalo pa sa ka iynag kaarawan. Malungkot man ang nasabing pagdiriwang, mayroon namang birthday wish si Vanessa.
Sabi ni Vanessa sa kaniyang socmed, “Missing the love of my life and my sweet little mamacita- my fellow Taurus. Grateful to wake up to my three sweet girls today. Wish we were all together. #mybirthdaywish”
Malamang na pagkabasa sa liham ni Kobe ay parang buhay na buhay siya para kay Vanessa. Nananatili namang matatag si Vanessa para sa naiwang tatlong anak nila ni Kobe na sina Natalia Diamante, Capri Kobe, at Bianka Bella.
Naging inspirasyon naman si Vanessa sa mga kababaihan sa buong mundo sa pananatiling matatag sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay.
COMMENTS