Sa unang tingin, parang tipikal na bahay kubo lamang ang nasa larawan. Gawa sa kawayan ang pinakalabas ng bahay.
Tropikal ang klima natin sa Pilipinas kaya namn gusto natin ng bahay na nakarerepreskong tirhan. At kahit sa panahon ngayon, nakakakita pa rin tayo ng karaniwang bahay kubo sa mga probinsiya.
Gayunpaman, kinagiliwan ng mga netizen ang larawan ng isang "modernong" bahay kubo. Bakit ito tinawag na moderno? Tignan natin.
Sa unang tingin, parang tipikal na bahay kubo lamang ang nasa larawan. Gawa sa kawayan ang pinakalabas ng bahay, may maliit na hardin at talagang napakasimple lang ang itsura nito.
Pero magugulat ka kung ano ang nasa loob ng "modernong" bahay kubo.
Pagpasok sa balkon ng bahay kubo, mapapansin na gawa sa kawayan ang upuan ngunit hindi ang sahig. Konkreto na ito at naka-tiles pa nga. Siguradong masarap humigop ng kape tuwing umaga sa lugar n ito.
Pagpasok naman sa pinakasala ng bhy kubo, makikita ang iba pang modernong kagamitan. May mga modernong muwebles ito, itim na sofa, de-salaming center table at flat screen TV pa.
Gaya ng makikita sa labas, ang bubong ay gawa sa pinatuyong dahon pero ang sahig naman ay konkreto at naka-tiles din. Konkreto din naman ang pader sa loob ng bahay-kubo.
Pagdating naman sa kusina, simple lang ito pero moderno pa din. Mayroong fridge, may pang-animang de-salaming mesa. Madami pang ibang modernong gamit na makikita roon gaya ng oven toaster at coffee maker.
Kapansin pansin din naman ang kabinet sa ilalim ng lababo. Naka-tiles ang lababo ang pinto ng cabinet at gawa sa salamin.
Sumunod namang makikita ang palikuran. Gaya ng iba pang bahagi ng bahay, naka-tiles din ito, may modernong inodoro at lababo. Higit sa lahat, may shower room kung saan siguradong naka-e-enjoy na magbabad.
Sa bandang likurang bahagi naman ng bahay matatagpuan ang dirty kitchen. Gaya ng harapang bahagi, gawa na din sa kawayan ang ilang pader ngunit naka-yero naman ang bubong nito.
Hindi naman papahuli ang gilid ng bahay-kubo. Gaya ng tipikal na mga bahay kubo, may mga nakapaligid din na mga halaman bilang dekorasyon na mas lalong nagpaganda sa ambiance ng bahay.
Tinataya ang pagpapagawa ng isang modernong bahay kubo ay maaaring abutin ng Php 150k hanggang 200k. Talagang naman patok ito doon sa mga nagnanais mg native na bahay ngunit may modern touch.
COMMENTS