Kamakailan lamang, ibinahagi ng Miss Universe 2011 3rd runner up Shamcey Supsup sa kaniyang IG account ang larawan ng kaniyang college transcript kung saan makikita doon ang mga grado na nakuha noong siya ay nag-aaral pa.
Isa sa mga bahagi ng pag-aaral ang makakuha ng grado o marka sa bawat subjects na pinag-aaralan natin. Dito din natin makikita kung pumasa ba tayo o hindi sa mga proyekto, asignatura, at mga requirements na ibinigay sa atin ng ating mga guro sa buong semestre.
Kaya naman talagang karamihan sa atin ay nag-aaral ng mabuti nang sa gayon ay maipasa ang mga subjects na kanilang pinag-aaralan.
Kamakailan lamang, ibinahagi ng Miss Universe 2011 3rd runner up Shamcey Supsup sa kaniyang IG account ang larawan ng kaniyang college transcript kung saan makikita doon ang mga grado na nakuha noong siya ay nag-aaral pa.
Maliban sa parangal na kaniyang nakuha bilang Magna Cum Laude noong siya ay nakapagtapos, si Shamcey din ay isa din sa mga naging board topnotcher sa pagiging arkitekto.
Hindi nga naman talaga maikakaila ang talina na mayroon si Shamcey kaya nga nakilala din siya dahil sa kaniyang pagiging beauty and brains.
Sa magkaparehas na post, ibinahagi din ni Shamcey ang kaniyang naging karanasan habang siya ay nag-aaral pa kung saan ay hindi niya maiwasan ang pagiging grade conscious dahil ito na din ang nakalakihan niya.
"I grew up to be really "grade conscious" or "GC" for short. It didn't matter if I really learned anything as long as I get the grade, I was fine."
Ayon pa kay Shamcey, natutunan niya na hindi naman sa mga grado na ating nakuha nakasalalay ang ating mga kinabukasan kung hindi sa natutunan natin dahil ito ang siyang magagamit natin sa hinaharap. Ang mga gradong ito ay siya lamang nagsisilbing produkto ng mga ginagawa natin sa ating pag-aaral.
Ani Shamcey,
"But now, I am more than certain that grades are not everything. Grades should be a byproduct of learning. And what you do with that knowledge is MUCH more important than what is on your report card."
Nagbiro pa si Shamcey sa dulo ng kaniyang post at sinabing,
"On a serious note though: Sino ba tong Prof. ko sa History of Architecture? Panira ng transcript eh!"
Kailanman, hindi masusukat ng taas o baba ng ating marka o grado ang ating talino. Kailangan lamang natin ay diskarte at ang mga kaalaman na napulot natin na siyang magagamit natin, hindi lamang kapag tayo ay nagtatrabaho na, kung hindi pati na din sa ating hinaharap na maaari din nating maituro sa ating magiging anak.
COMMENTS