Isusurprise daw sana niya ito at nakapag bayad naman na agad ito ng advance. Ngunit sa kasamaang palad ay nung sinubukan idinilever ang kanyang mga or
Iba talaga ang nagagawa kapag ang isang tao ay umiibig. Lahat halos ay makakaya nitong gawin para lamang sa kanyang minamahal. Nariyan yung tipong handa itong maghintay ng napaka tagal, nariyan din yung tipong handa nitong ibigay ang lahat at higit sa lahat ay handa rin nitong ibigay ang kanyang buong tiwala para sa taong kanyang minamahal.
Pero kung minsan may mga pagkakataon na kahit ibinigay na ng isang tao ang lahat ng mga nabanggit ay nagagawa pa rin silang iwan okaya naman ay hindi piliin. Katulad na lamang ng istorya na ibinahagi ni Cristhian Escolano.
Ayon sa kanyang post, mayroon umorder at nagpadeliver sakanila na OFW na nag ngangalang James. Ito ay umorder ng Cake, Milktea at Donuts para sa kanyang nililigawan sa Taguig.
Isusurprise daw sana niya ito at nakapag bayad naman na agad ito ng advance. Ngunit sa kasamaang palad ay nung sinubukan idinilever ang kanyang mga order ay hindi daw ito magagawang tanggapin, ayon sa kasambahay ng babae.
Hindi daw ito tatanggap ng kahit anong bagay mula kay James sa kadahilanan na may boyfriend na ito. Kaya naman tumawag ang nag deliver kay James at sinabi ang sitwasyon.
Hindi na sana sasabihin nito na may boyfriend na ang babae dahil alam nitong masasaktan ang kanilang customer na si James. Ngunit napilitan pa rin nlang sabihin ang rason kung bakit hindi ito tinanggap dahil sa karapatan na malaman niya ito.
Matapos malaman ito ni James ay sinabi na lamang nito na ,"Sa inyo nalang yan or ibigay mo kahit kanino".
Hindi alam ngayon ni Cristhian kung kanino niya ibibigay ito. Narito ang post kumpletong post na ibinahagi ni Cristhian Escolano sa kanyang socmed.
Maraming netizen ang nalungkot sa istorya ni James. Kung saan kanilang damang-dama ang lungkot ng pangyayari sakabila ng pagpaparamdaman nito ng pagmamaha niya sa babae.
Patunay lang na sa pag-ibig may mga bagay talaga na nakalaan lamang para pagtapuin pero hindi nakalaan para itadhana. Sa huli ano mang kabiguan o pinagdaanan mong hindi maganda sa laro ng pag-ibig, sa huli masasabi mong sulit pag nakaharap mo na ang taong nakalaan para sayo.
COMMENTS