10 Sikat Na Artista Na Kilalang Kuripot Pagdating Sa Pera

Alam niyo ba na hindi lahat ng artista ay hindi gumagastos ng malaking pera para mabili ang kanilang mga gusto?


Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na halos lahat ng artista at personalidad ay mayayaman. Bukod kasi sa guesting at endorsements na mayroon sila, malaki din ang kanilang kinikita sa bawat proyekto na kanilang ginagawa.


Madalas din ay libre lamang sa kanila ang mga produkto na ginagamit dahil nga ito ay galing sa iba't ibang brand na kanilang ini-endorse.


Ngunit, alam niyo ba na hindi lahat ng artista ay hindi gumagastos ng malaking pera para mabili ang kanilang mga gusto? May pagkakataon na ilang sa mga sikat na artista na ito ay tinatawag na 'kuripot' dahil sa higpit nila pagdating sa paglalabas ng pera.


Narito ang ilang mga sikat na artista na may pagka-'kuripot' o hindi gaanong mapaglabas ng pera:


1. Sarah Geronimo



Si Sarah Geronimo ay isa ding napakatipid na tao sa kabila ng kaniyang mga kinikita dahil sa mga projects, shows, at concerts na mayroon siya sa bansa. Ani Sarah hindi siya bumibili ng kaniyang mga luho dahil para sa kaniya ay aksaya lamang sa pera ang mga ganitong bagay. Naglalabas lamang din daw siya ng pera kapag kailangan bumili ng mga kagamitan na kailangan.


2. Enchong Dee



Inamin ng malapit na kaibigan ni Enchong Dee na si Maja Salvador kung gaano kahigpit ang actor pagdating sa pera. Ani Maja,


"Kuripot talaga yan si Enchong, minsan nga sa shooting kapag kakain na kami ang inaasahan niya lang kami na mga katrabaho niya, ako, si Kim o di kaya naman ay si Xian. Minsan nga noong nagpapagawa siya ng bahay may pagkain na ibinigay si Xian pero hindi niya namalayan na expired na pala yun."


3. Anne Curtis



Inamin ni Anne Curtis na hindi din siya ganoong mapaglabas ng pera. Saad niya na sa tulong ng kaniyang Ilokanang ina natutunan niya kung paano mag-ipon. Sa katunayan nga nyan, halos lahat ng kaniyang sweldo ay kaagad niyang dinadala sa kaniyang savings.


4. Solenn Huesaff



Bago pa man naging isang sikat na artista si Solenn, siya ay lumaki na na mayroong marangyang pamilya. Kwento ni Solenn, hindi talaga siya mapagbili ng mga luho na nais niya para sa kaniyang sarili.


Inamin din ni Solenn na isang napakamahal na bag lamang daw ang mayroon siya. Sinabi pa ng actress na ang ilang mga mamahaling gamit na nakikita natin ay tanging bigay lamang sa kaniya bilang regalo.


5. Luis Manzano



Sa kabila ng kasikatan na tinatamasa ngayon ni Luis, mas nais pa din niya na huwag maglabas ng ganoong kalaking pera para sa mga mamahaling luho. Sa katunayan nga nyan, maging ang actress na si Anne Curtis ay tinatawag si Luis bilang isang 'kuripot'.


6. Richard Gomez



Tinagurian ni Amy Perez si Richard Gomez bilang isang 'kuripot'. Ani naman ni Richard, hindi pa niya laam kung paano mamahagi sa kaniyang mga katrabaho noong mga panahon na iyon dahil kakaumpisa lamang siya sa showbiz industry at nangangapa pa lamang siya.


7. Kaye Abad



Inamin mismo ng actress na si Kaye Abad na siya ay isang 'kuripot'. Kaya naman din panatag ang kalooban ng kaniyang asawa na si Paul Jake Castillo na hindi magiging ganoong kalaki ang gastos nila dahil magaling humawak ng pera ang kaniyang asawa.


8. Ogie Alcasid



Si Ogie Alcasid ay isa sa mga kilalang mang-aawit sa bansa. Inamin niya din mismo na siya ay matipid sa pera at 'kuripot' pagdating sa kaniyang sarili.


"Kuripot ako sa sarili ko pero pagdating sa mga mahal ko sa buhay binibigay ko lahat ng kailangan at gusto nila."


9. Pops Fernandez



Si Pops Fernandez ay kilala dahil sa angking galing nito sa pag-awit. Sa kaniyang panayam noon, inamin ng 'Concert Queen' na maingat at matipid pagdating sa pera.


"Hanggat maaari ay iniiwasan kong magwaldas at kung iniisip ng ilan na pagiging 'kuripot' iyon eh di 'Kuripot nga ako'," pag amin ng singer.


10. JC Santos



Mismong actor na si JC Santos ay umamin na siya ay isang 'kuripot' din. Saad ni JC, wala din siyang kahit na anong luho sa buhay at masaya na lamang siya sa mga bagay na mayroon siya.


Kwento ni JC, nais niyang magtipid ng pera upang makapag-ipon dahil ayaw na niyang bumalik sa dating napakahirap na buhay na kaniyang dinanas.


Wala namang masama sa pagiging kuripot, maaaring nais lamang talagang magtabi at mag-ipon ng pera ng mga artistang ito dahil alam naman natin na pagdating sa mundo ng showbiz, hindi lahat ay permanente at maaaring mawala din sa kanila ang lahat sa isang iglap.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 10 Sikat Na Artista Na Kilalang Kuripot Pagdating Sa Pera
10 Sikat Na Artista Na Kilalang Kuripot Pagdating Sa Pera
Alam niyo ba na hindi lahat ng artista ay hindi gumagastos ng malaking pera para mabili ang kanilang mga gusto?
https://1.bp.blogspot.com/-sr33uszAK4k/XrpuBadR0tI/AAAAAAACOdk/1piZF04qBowJgGIiId2oYnfRly_C2zyxwCK4BGAsYHg/w640-h336/artista%2Btipid.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-sr33uszAK4k/XrpuBadR0tI/AAAAAAACOdk/1piZF04qBowJgGIiId2oYnfRly_C2zyxwCK4BGAsYHg/s72-w640-c-h336/artista%2Btipid.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/05/mga-sikat-na-artista-na-tinaguriang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/05/mga-sikat-na-artista-na-tinaguriang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy