Ibinalik naman ng isa pang babae ang natanggap din niyang isang supot ng bigas.
Usap-usapan ngyayon ang isang kumakalat na video ng dalawang babae na matapos makatanggap ng relief na bigas, sa halip na mgpasalamat ay pinintasan pa iyon.
Makikita sa video na dalawang ginang ang lumapit at muling ibinalik sa sako ang natanggap nilang isang malaking supot ng bigas.
Sabi pa ng isang ginang, "O eto na, eto , hindi ako kumakain niya, para yan sa aso!"
Ibinalik naman ng isa pang babae ang natanggap din niyang isang supot ng bigas. Nagtawanan naman ang mga kapitbahay ng nasabing ginang sa kaniyang pagmamalaki sa sarili.
Ani naman ng isa pa na nagsasalita sa video, ginawa daw ito ng mga babae para mapalitan ng bago at mas magandang bigas.
Ang maikling video naman na ito ay umani nang mahaba at matinding galit ng mga netizen. Ganito naman ang mababasa sa komento ng ilan:
"Ungrateful people. Sa hirap ng panahon ngayon may gana pa kayong magdemand. Lahat ng tao affected sa crisis ngayon kaya pasalamat kayo nabigyan kayo ng tulong. Wag lang puro arte ang isipin oi. Sa ugali nyong yan wala kayong pinag kaiba sa aso."
"Dapat magpasalamat tayo na may makakain pa huwag nyong tanggihan ang grasya."
"Okay fine ibigay sa mas nangangailangan. Walang kalampagam sa baranggay pag wala na kayong malamon ha"
"Jusmiyo! Nag-inarte pa kayo! Maraming hindi nakakatanggap ng relief tas kayo nag-iinaso pa? Hahaha yayamanin kayo? Namili pa kayo ng bigas. Dapat sa inyo hindi na abutan ng tulong. Mga inggrata!"
"Pasalamat po kayo dahil may natatanggap kayo na tulong. Marami dyan na karapat dapat bigyan ng tulong munit salat."
"Okay lang na isauli para mabigay talaga sa mga taong marunong mag appreciate. Hindi kasi sila naghihirap marami sila pagkain kaya ayaw nila yan. Intindihin nyo na lang. Isa pa maraming deserving bigyan."
"In other places pahirapan makakuha lang ng rasyon but look what youve doing di nio man lang pinahalagahan yung efforts ng government di nio alam na nagpakahirap sila para mag-repack at magbahay bahay to gave those things na sinasabi nyong cheap at di nio kinakain. Samantalang anraming nagugutom na. How ungrateful you are"
COMMENTS