Sa kaniyang IG account, ibinahagi ng actress ang larawan ni Baby Thylane.
Noong Enero 1 lamang, ipinanganak na ng actress na si Solenn Huessaff ang panganay nila ng asawang si Nico Bolzico. Matapos makapanganak ng actress, mas pinili nitong hindi muna ipakita sa publiko ang mukha ng kanilang baby girl na si Thylane Katana.
Ngunit, makalipas ang tatlong buwan na pagiging pribado ng mag-asawa, lalo na sa kanilang anak, nitong Abril 29 lamang ay ipinakita na si Solenn sa publiko ang mukha ni Baby Thylane.
Sa kaniyang IG account, ibinahagi ng actress ang larawan ni Baby Thylane. Makikita din sa mukha ng kanilang baby ang pagkakahawig nito kay Solenn kahit pa man ito ay apat na buwang taong gulang pa lamang.
Saad ni Soleen sa caption ng kaniyang post,
“Best days at home getting to know your pure gentle soul. Te amo Thylane, de tout mon coeur. Sorry Nico Bolzico, this is just a girl’s pica. You can’t hang with us.”
Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng iba't ibang reaksyon sa larawan ni Baby Thylane dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakita ito ni Solenn sa publiko.
Ngunit, bago pa man ipakita ng actress ang mukha ni Baby Thylane, nakatanggap si Solenn ng ilang mga negatibong komento galing sa ilang netizens kung bakit hindi pa nito pinapakita ang kaniyang anak sa publiko.
Sinagot naman ito ni Solenn sa kaniyang IG account at sinabi na mas pinipili muna nilang i-enjoy ang bawat milestone na nangyayari sa kanilang anak.
“People keep asking why I haven’t posted Thylane yet. Though I eventually will, sometimes I am not in a hurry and enjoying her every change. She is so precious. I’ve read comments like: ‘Is your baby ugly?’ ‘Aren’t you proud of her?’ ‘Is she abnormal?’ amongst other things.”
Pinaalalahanan din ni Solenn ang mga netizens na hindi naman kailangan lahat ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao ay kailangan i-post kaagad sa socmed.
Sa ngayon, mas nais ng actres na i-enjoy ng pribado ang bawat pagbabago na nangyayari sa kanilang Baby Thyalne.
“People need to remember life does not happen on IG. Yes, it’s a great thing to share things. But you don’t need to share anything.”
COMMENTS