Maniniwala ba kayo na wala silang gate? Exposed man ang bahay nila sa publiko ay mayroon itong mahigpit na seguridad sa labas.
Kilala sa pagiging magaling na singer si Zsa Zsa Padilla sa Kapamilya Channel. Bukod sa kanyang kagalingan sa pagkanta ay talagang nagttrending ang kanyang buhay sa showbiz lalo na pagdating sa kanyang love life. Lalo na ngayon ng magkaroon ulit siya ng love life matapos ang pagkamatay ni Dolphy.
Tinanggap naman ito ng mga netizens at kinilig pa matapos isapubliko ni Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.
Si Sharon Cuneta ang tila naging bridge of love ng dalawa dahil matalik na kaibigan ni Shawi si Conrad at maging si Zsa Zsa.
Nagkaroon din ng karelasyon si Conrad ngunit hindi ito nagtagal. At ngayong engaged na sila ay naninirahan na sila sa tatlong palapag na Glass House sa Makati. Oo, "Glass House" ito kung tawagin dahil literal na masalamin ang kanilang bahay.
Ang bahay nila ay dinisenyo mismo ni Conrad at ngayon ay lubos na hinahanggan ng publiko dahil sa ganda ng interior at exterior na disenyo nito.
Maniniwala ba kayo na wala silang gate? Exposed man ang bahay nila sa publiko ay mayroon itong mahigpit na seguridad sa labas.
Kung makikita niyo sa entrance pa lang ng kanilang bahay ay mapapa "WOW" ka na agad dahil bukod sa magandang tignan ay talagang nakakarelax din dahil sa mga halaman na nakatanim at nakalandscape bago mapuntahan ang entrance door ng kanilang bahay.
Ilan sa mga halaman nila ay ang ferns, elephant ears, Buddha Belly at Selloums at mga puno na tulad ng chesa, mangga at makopa.
FOYER
Malamang napansin niyo ang salamin na nakaharap sa pinto. Sinasabing malas iyo ngunit hindi naniniwala ang arkitekto ng bahay na iyon ay totoo bagkus nagawa niyang isang welcoming ang foyer nila.
LIVING AREA
Makikita ninyo ang maaliwalas dahil sa mga clear glass na nakapalibot dito , isama mo na din ang malalambot na sofa na talagang marerelax ang mga tatambay sa kanilang sala.
DINING AT KITCHEN AREA
Eleganted din itong tignan tulad ng kanilang living room. Mayroon itong puting ceiling, puting upuan at puting lamesa at syempre mga nakapalibot din na clear glass panels.
STAIRCASE
Isang modernong istilo ito ng hagdan papunta sa mga ibabaw na palapag at mayroon itong glass railings bilang hawakan kapag ikaw ay papataas ng pangalawa at pangatlong palapag ng kanilang bahay.
OUTDOORS AT ROOF DECKS
Dito makikita ang preskong ambiance dahil mayroon din ditong mga halaman at puno. Makikita din sa roofdeck ang Makati Skyline na talaga namang mamamangha ka sa taglay nitong view.
MASTERS BEDROOM
Dito naman makikita ang kulay puting kama at mga unan isama mo na din ang puting ceilings na talaga namang makakatulog ka ng maayos dahil sa taglay nitong relaxing ambiance. Makikita din dito sa loob ng Masters Bedroom ang dalawang shower areas na gawa din ng clear glass.
COMMENTS