Isang budget-friendly na swimming pool ang ginawa ng isang lolo para sa kaniyang mga po.
Ramdam na ramdam na talaga ang init ng panahon sa ating bansa ngayon dahil summer na naman nga. Ngunit, taliwas sa nakasanayan natin noon na tuwing sumasapit ang summer halos punong puno ang mga beaches at swimming pools, ngayon ay halos wala ng pumupunta sa mga ito dahil nga sa krisis ngayon.
Kaya naman marami sa ating mga kababayan ang nagtitiyaga muna sa mga inflattable pools habang ang iba ay gumagawa ng kanilang sariling swimming pool sa kani-kanilang tahanan.
Ngunit, isang malikhain na swimming pool ang ginawa ng isang lolo para sa kaniyang mga po. Naisip ni lolo na gumawa na lamang ng isang improvised pool dahil nga may kamahalan ang mga inflattable pools.
Sa post ng netizen na si Blessie Mangubat, ibinahagi niya ang improvised swimming pool na ginawa ng amang si Wilfredo Mangubat para sa kaniyang mga apo.
Ani Blessie sa kaniyang post, "Gusto din po makiswimming [nung dalawang bata] kaso po malilikot, baka daw po makabutas at magpapalit pa kami [ng pool]."
Naisip ni lolo na gawin na lamang swimming pool ang dating kulungan nila ng baboy. Nilinis daw talaga itong mabuti ni Lolo at sinimulan niya ng gawin ang improvised pool noong Mayo 3.
Makalipas lamang ang anim na araw ay kaagad din naman itong natapos ni lolo. Naging madali lamang kay lolo ang paggawa ng pool dahil nga siya ay nagtrabaho din bilang isang construction worker.
Malaki ang natipid nila sa paggawa ng pool. Kahit pa man malaki ito ay nakagastos lamang sila ng humigit kumulang Php4,000, kumpara sa mga mamahaling mga inflattable pools na mabilis mabutas.
Saad ni Blessie, "Nakagaan na lang po sa gastos naming na may kulungan na po kami ng baboy kaya medyo buo na po siya. Dinadagdagan na lang po at yung ibang materyales po na ginamit hindi na rin po namin binili, gaya ng buhangin at bakal po."
Makikita sa mga larawan na napakaganda ng kinalabasan ng improvised pool na ginawa ni lolo kung saan mayroon pa itong mga disenyo na para sa mga bata.
Enjoy na enjoy naman ang mga apo ni lolo na sina Rica Mae, Ricailla Maine, at Rick Alfred sa creative improvised pool na ginawa ni lolo para mapasaya lamang sila.
COMMENTS