Sa kabila ng simpleng pananamit nito ay maraming netizen ang nakapansin na walang suot na pangloob ang aktres kaya’t naging dahilan ito upang umani ng
Usap-usapan ngayon ng maraming netizens ang larawan na ibinahagi ni Julia Barreto sakanyang IG account na @juliabarretto.
Makikita sa larawan ang magandang pigura ng katawan nito kung saan ito’y naka suot lamang ng simpleng puting t-shirt at grey na jogging pants.
Sa kabila ng simpleng pananamit nito ay maraming netizen ang nakapansin na walang suot na pangloob ang aktres kaya’t naging dahilan ito upang umani ng iba’t-ibang komento mula sa netizens.
Ang ibang netizen ay nagbahagi ng hindi kaaya-ayang komento at ang ilan ay dinepensahan ang larawan na ibinahagi ng aktres. Kabilang sa mga dumipensa ay ang sikat na dermatologist na si Dra. Vicki Belo.
Kaugnay diti ay nagbahagi si Dra. Vicki ng kanyang mensahe sa kanyang IG account tulong sa benepisyo ng di pagsusuot nga bra.
Nakakatulong diumano ang hindi pagsusuot ng damit pangloob paminsan-minsan upang makadaloy ng maayos ang dugo sa dibdib. At bukod pa dito ay ang strap ng bra kung saan nadidiinan ang pagitan ng mga balikat ay maari ding makapag dulot ng pananakit ng leeg.
Sa ngayon ang post na ito ng Dra. ay meron nang mahigit sa 39,000 likes, patunay lamang na marami ang sangayon at nakakarelate sakanyang ipinahayag.
Ang larawan naman na ni Julia Barretto na mainit na usap-usapan ngayon ay meron ng mahigit sa 200,000 likes. Nangingibabaw pa din na mas marami ang kanyang taga hanga kumpara sa kanyang mga bashers.
Samantala nitong nakaraang Marso 9, bago magsimula ang quarantine sa bansa ay ibinahagi at inanunsyo ni Dra.Vicki Belo sa kanyang IG account na si Julian ang kanilang bagong partner sa Vicki Belo's medical aesthetic ambulatory clinic.
Narito ang kanyang kumpletong impormasyon ng kanyang post:
Sa mainit na panahon ngayon napakalaking ginhawa talaga para sa mga kakababaihan ang hindi pagsusuot ng damit pangloob.
Kaya hindi katakataka na marami din sa mga artista ang ginagawa ito upang maging magaan ang kanilang pakirandam at kabilang na dito si Julia Barretto.
COMMENTS