Kwento ni Kinshi, nais lamang niyang magpa-hangin sa kanilang labas nang mga oras na iyon kaya naman napagdesisyunan niyang maglabas ng upuan.
Sa tuwing mayroong sakuna at krisis tayong pinagdadaanan, dito makikita ang pagtutulungan at pagbibigyan ng Pilipino sa bawat isa.
Ngayon na humaharap tayo sa C0VID-I9 pandmic, madalas ay nakakatanggap tayo ng tulong sa ating mga local government units (LGUs) at maging ang mga simpleng mamamayan lamang ay namamahagi din ng tulong para sa kanilang nasasakupan na nangangailangan.
Kung noon ay nakakatanggap tayo ng tulong sa pagbabahay bahay ng ating mga local government units (LGUs) ngayon naman isa ang paglalagay ng upuan sa labas ng bahay sa mga paraan na naisip ng ating gobyerno sa pamamahagi ng relief goods nang sa gayon ay makaiwas ang mga tao sa pagkakaroon ng contact sa isa't isa.
Kapag naman ikaw ay walang upuan na nakalagay sa labas ng iyong bahay, ibig sabihin lamang nito ay wala kang matatanggap ng relief.
Ibinahagi ng netizen na si Kinshi Morfe ang nakakatuwang karanasan nang siya ay maglagay ng bangkuan sa harap ng kanilang bahay.
Kwento ni Kinshi, nais lamang niyang magpa-hangin sa kanilang labas nang mga oras na iyon kaya naman napagdesisyunan niyang maglabas ng upuan. Pumasok lamang siya sa kanilang bahay upang magpalit nang damit.
Ngunit, paglabas niya, nagulat na lamang siya dahil mayroon na ding upuan na nakalabas ang kaniyang mga kapitbahay sa labas ng kani-kanilang bahay.
Kaagad naman naging katatawanan sa socmed ang post na ito ni Kinshi at nagbigay din ito ng aliw at good vibes para sa mga netizens.
Biro pa ng isang netizen, "Ganyan talaga ang ibang kapitbahay kung anong gawin ng isa ay gagayahin ng lahat."
Siguro ay ginawa lamang ito ng mga kapitbahay ni Kinshi dahil naninigurado lang sila na sila ay makakatanggap kung sakali man na mamamahagi sa kanilang barangay ng tulong, lalo na ngayon at madami sa mga pamilyang Pilipino ang apektado ng krisis na kinakaharap ng ating bansa.
COMMENTS