Marahil ang iba sa inyo ay nagtatanong kung pwede nga ba magkaroon ng anak ang 5 yrs old na bata?
Marahil ang iba sa inyo ay nagtatanong kung pwede nga ba magkaroon ng anak ang 5 yrs old na bata?
Ang sagot ay, OO! Ito ay matapos mapatunayan ni Lina Medina kung saan siya ay naka kuha ng record ng "World’s Youngest Mother" kung saan nanganak siya sa edad na limang taong gulang pa lamang.
Taong 1939, ang nakakagulat na worl record ay nagawa sa lugar ng Ticrapu, Peru. Sa edad na limang taong gulang si Lina Medina ay siyang tinaguriang bilang "World’s Youngest Mother" sa buong mundo.
Nagtaka naman ang kanyang mga magulang kung bakit ito nangyari sa kanilang anak. Una akala lang nila ito ay isang malaking tum0r, ngunit noong dinala na sa hospital si Lina dito nalaman na nagdadalang tao siya at ito ay nasa pitong buwan na.
Laking gulat nga naman ng kanyang mga magulang at pati na rin ng mga doctor matapos mapag alaman na siya ay buntis. Ilang linggo pa ang nakalipas ay nanganak na nga ng tuluyan si Lisa.
Bakit kaya ito nangyari sa mura niyang edad?
Ito ang mga tanong na na sinuri ng mga doktor sa buong mundo mga panahon na iyon. Ilang tests nga ang nakuha ay nalaman din nila kung ano nga ang kondisyon ni Lina. At tinawag itong ‘precocious puberty,‘ ito ay isang kondisyon kung saan isa sa mga 10,000 na bata ang maaring makaranas nito.
Ito rin ay uri ng kondisyon kung saan nanganganak ang isang babae sa mura nitong edad. Napag alaman din ng mga eksperto na nagkakaroon na ang menstruation si Lina sa edad ng tatlong taong gulang. Makikita din ang paglaki ng kanyang bewang, dibdib at iba pang parte ng katawan.
Marami nga ang nagtanong kung sino nga ba ang Ama ng kanyang anak. Karamihan na inisip ay kanyang ama na si Tiburelo Medina. Dinakip ang kanyang ama at kinasuhan sa pang gagahasa ngunit hindi ito nakulong dahil sa walang sapat na ebidensya.
Ilang taon ang lumipas ay inakala ng karamihan na kapatid niya lang ang kanyang mismong sariling anak. Hindi nag tagal ay patuloy pa rin ang tanong kung sino nga ba ang totoong ama ng anak ni Lisa.
Ngunit imbes na sagutin ang katanungan si Lisa ay nanahimik at mas piniling mamuhay ng normal. Sa ngayon mayroon na siyang pamilya.
At sa paglipas ng panahon tanging siya lang ang nakakaalam sa likod ng kanyang lihim na storya.
COMMENTS