Kilalanin Ang Mga Babaeng Bumihag Sa Puso Ni John Lloyd Cruz

Kahit pa man hindi kinumpirma ni John Lloyd at Ellen ang kanilang relasyon, marami pa ding mga usapin at spekulasyon na kumakalat tungkol sa mga baabeng ito.


Madalas nagiging usap-usapan at laman ng balita ang mga babae na nali-linked o di kaya ay nakakarelasyon ng beteranong actor na si John Lloyd Cruz. Ito ay marahil may pagkakataon na sinasapubliko na ng actor ang ilang mga pangyayari sa kaniyang buhay na taliwas sa pribadong buhay na kaniyang tinago sa loob ng 20 taon.

Pero kahit pa man sinasapubliko na ng actor ang kaniyang mga naging ka-relasyon o di kaya ang kanilang break-up, nananatili pa ding mataas ang bakod ng actor para sa mga ganitong uri ng isyu o usapin.

Ngunit, tila unti-unti naman na ngayong binababa ng actor ang mataas na bakod na kaniyang ginawa para sa sarili, siguro ay marahil ito ay dahil sa kaniyang kasintahan na actress na si Ellen Adarna.


Sa matagal na panahon, nagkaroon ang actor ng isang private IG account kung saan ito ay gumamit ng ibang pangalan at kaunti lamang sa kaniyang mga tagahanga at nakakakita nito.

Ngunit, bago pa man nakilala ni John Lloyd si Ellen, narito ang ilang mga babae na na-linked at nakarelasyon ng actor:

* Kaye Abad

15-anyos pa lamang si John Lloyd at 14 taong gulang naman si Kaye noong sila ay maging magkarelasyon. Nagsimulang maging malapit ang dalawa sa isa't isa nang sila ay naging magkatambal sa pelikula na 'Nagbibinata' noong 1998 at 'Oo na... Mahal Na Kung Mahal' noong 1999.

Matapos makitaan ng chemistry ang dalawa, pinagtambal muli sina Kaye at John Lloyd at napasama sa weekly teen series ng ABS-CBN na 'Tabing Ilog' noong 1999 hanggang 2003.


Sa panayam naman ng actor noong October 2012, muli niyang inalala ang naging relasyon nila ng actress na si Kaye. Ani ng actor,

"Ito po kasi ang aking early years of being in love. Yung akala mo yun na talaga, yun na ang lahat, at yun na ang katapusan. In that sense po ay talagang hindi ko po makakalimutan na I was once in love, very much in love with Kaye Abad."

* Krista Ranillo

Sa naging panayam ni John Lloyd taong 2008, inamin niya na naging kasintahan niya si Krista Ranillo, ngunit ang kanilang relasyon ay umabot lamang sa pitong buwan. Sinabi pa ng actor na hindi naman tumutol ang mga magulang ni Krista sa kanilang relasyon bagkus nagustuhan pa nga siya ng mga ito dahil sa kaniyang pagiging 'good boy'.


Ngunit, sa magkahiwalay na panayam naman, sinabi naman ni Krista na tatlong buwan lamang tumagal ang relasyon nila ng actor. Sinabi din niya na nakilala niya si John Lloyd nang ito ay maging guest sa GMA Love Stories.

* Ciara Sotto

Pinili ng dalawa na gawing pribado ang kanilang relasyon dahil nang mga panahon din na iyon ay naging katambal ni John Lloyd ang actress na si Bea Alonzo para sa isang pelikula.

Noong 2003 naman, humarap sa kontrobersiya ang dalawa, kung saan napag-usapan din na sinubukan ni Ciara na magpakamat4y matapos ang break-up nila ng actor. Ang isyu naman na ito ay nilinaw ni Ricky Lo.


Taong 2005, nagbigay naman ng pahayag si Ciara at sinabi niya na isa din sa dahilan niya kung bakit siya napagod at nakipaghiwalay sa actor ay dahil sa maling kaugalian nito. Inamin din ni Ciara na ang maling kaugalian na ito ng mga actor ay ang sobra nitong pag-inom.

Ang relasyon naman ng dalawa ay tumagal sa loob ng dalawang taon.

* Heart Evangelista

Taong 2005 nang magsimula ang relasyon ni John Lloyd at Heart Evangelista. Inamin din ng actor na tumagal lamang ng ilang buwan ang pagde-date nila ni Heart dahil nang mga panahon na iyon ay hindi pa siya handa na pumasok sa isang relasyon. 

Sa naging panayam sa YES! Magazine, nang siya ay maging tampok sa nasabing magazine noong Hulyo 2010, sinabi niya niya na bago pa man maging sila ni Heart At Echo, nagdate daw sila ng aktres pero di din nagtagal.

* Liz Uy

Inilarawan noon ni John Lloyd bilang isang 'magical feeling' ang kaniyang nadama nang una niyang makita si Liz Uy. Si Liz naman ay ang kaniyang 'Magnetic Michiko'.

Unang nagtagpo ang landas nang dalawa nang makita ng actor sa kauna-unahang pagkakataon si Liz sa Hong Kong International Airport. Matapos ang kanilang pagkikita, muling nagtagpo ang kanilang landas sa isang posh club sa Taguig, bago pa man nila makilala ang isa't isa.



Sa naging panayam naman ng actor sa YES! Magazine, sinabi niya na nagsimula silang mag-date ni Liz noong 2006. Ang kanilang relasyon naman ay nagtagal din ng tatlong taon.

* Sarah Geronimo

Inamin ni John Lloyd noon na isa ang timing sa mga dahilan kung bakit hindi niya naligawan ang actress at singer na si Sarah Geronimo. Sa naging presscon ng pelikula nilang dalawa na 'Finally Found Someone' noong Hulyo 2017, nabanggit ni John Lloyd ang 'special connection' na mayroon sila ni Sarah.

Sa magkahiwalay naman na presscon, inamin ni Sarah na malaki ang paghanga na kaniyang nararamdaman kay John Lloyd noon pa man na maging magkatambal sila sa isang episode ng 'Maalaala Mo Kaya' noong 2006.


Nang mga panahon naman na iyon, kasintahan na ni John Lloyd si Liz. Ngunit, taong 2008, niregaluhan naman ng actor si Sarah ng isang singsing na binalik naman agad ng aktres sa dahilan na may nobya itong iba.

* Ruffa Gutierrez

Nagsimula ang pribadong relasyon nina John Lloyd at Ruffa Gutierrez noong Marso 2009 at ito ay nagtapos din noong Pebrero 2010. Ito ay inamin ni Ruffa sa kaniyang panayam sa 'Paparazzi Showbiz Exposed' nang TV5 noong Nobyembre 6.

Nagkakilala ang dalawa sa set ng palabas na 'I Love Betty La Fea' noong 2008, kung saan ang role na ginampanan ni John Lloyd ay si Armando habang ang leading lady naman na si Bea Alonzo ang gumanap bilang Betty. Samantala, si Ruffa naman ay gumanap bilang Daniella sa nasabing palabas.


Nang magsimula ang relasyon nang dalawa, napagdesisyunan nila na itago ang relasyon sa publiko ito ay dahil na din sa kanilang career. Ngunit, ang kanilang relasyon ay hindi din nagtagal nang matuklasan ni Ruffa ang isang bagay na inamin sa kaniya ni John Lloyd nang sila ay maging magkarelasyon na.

* Shaina Magdayao

Kinumpima ni John Lloyd ang relasyon nila ng actress na si Shaina Magdayao nang ito ay maging guest sa 'The Buzz' noong Hunyo 2010. Ito ay matapos maiulat na nakita umano ang dalawa na magkasamang nagsho-shopping sa isang bike store sa Makati City.


Sa magkahiwalay na panayam, sinabi ni Shaina na masaya siya nang aminin ni John Lloyd ang kanilang relasyon sa publiko. Inilarawan din ng actress kung paano nagsimula ang kanilang relasyon. Ngunit, hindi din nagtagal ay dumating na sa punto na naghiwalay sina John Lloyd at Shaina. Hanggang ngayon, hindi pa din sinasabi ni Shaina ang tunay na dahilan ng breakup nila ng actor.

* Angelica Panganiban

Naging magkasintahan sina John Lloyd at actress na si Angelica Panganiban noong Hulyo 8, 2012. Ngunit, isa din ang kanilang relasyon sa mga pinag-usapan at naging kontrobersiya dahil nang mga panahon umano na ito ay si John Lloyd at Shaina pa habang si Angelica naman at ang actor pa na si Derek Ramsay.

Mas lalong naging matunog ang pangalan ni John Lloyd at Angelica matapos kumalat ang larawan ng dalawa na kakagaling lamang sa Vietman para i-shoot ang pelikula na '24/7 In Love'.


Samantala, hindi naman kaagad kinumpirma ng actor ang relasyon nila ni Angelica at ito ay kinumpirma lamang niya pitong buwan ang makalipas simula nang umingay ang kanilang pangalan.

Ngunit, noong Enero 12, 2016 naman, sinabi ni Ogie Diaz na hiwalay na si Angelica at John Lloyd sa kaniyang radio show na DZMM. Dagdag pa ni Ogie, walang third party na involved sa hiwalayang John Lloyd at Angelica at hindi din si Bea ang isa sa mga rason ng hiwalayan ng dalawa.

* Bea Alonzo

Si Bea Alonzo ay isa naman sa mga actress na na-linked kay John Lloyd Cruz. Dahil sa chemistry ng dalawa bilang on-screen partner, marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na naging magkarelasyon ang dalawa na mariin naman nilang tinanggi.

Ang tsismis na ito ay nagsimulang kumalat nang hiwalayan ng dalawa para sa kani-kanilang mga kasintahan noong 2006.


Ngunit, ayon sa ilang source, noon pa man ay nagkakaroon na ng hindi pagkakaunawaan si Bea at kasintahan nitong si Zanjoe at sinabi ni Bea na si John Lloyd lamang ang siyang napagsasabihan at nagbibigay ng comfort sa kaniya nang mga oras na iyon. Ngunit, nilinaw ng dalawa na hindi sila nagkaroon ng relasyon at magkaibigan lamang sila.

* Ellen Adarna

Humarap sa ilang kontrobersiya si Ellen Adarna at John Lloyd matapos kumalat ang ilang videos nila kung saan makikita na sila ay magkasamang nagbabakasyon sa Cebu. Ngunit, sa kabila ng mga kontrobersiya at mga videos na kumakalat, nananatili naman silang tahimik ni Ellen at walang kinukumpirma na kahit ano sa kanilang relasyon.


Nagsimula naman umanong maging malapit sa isa't isa ang dalawa nang maging magkatrabaho sa 'Home Sweetie Home'. Sa naging presscon para sa third anniversary nang nasabing show, inamin ng dalawa na matagal na silang magkakilala simula pa nang high school pa lamang si Ellen.

Sa ngayon, mayroon naman ilang tsismis na kumakalat na hiwalay na si John Lloyd at Ellen at mayroon ngang naging anak ang dalawa na si Elias.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,350,Tips,60,Trending,368,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kilalanin Ang Mga Babaeng Bumihag Sa Puso Ni John Lloyd Cruz
Kilalanin Ang Mga Babaeng Bumihag Sa Puso Ni John Lloyd Cruz
Kahit pa man hindi kinumpirma ni John Lloyd at Ellen ang kanilang relasyon, marami pa ding mga usapin at spekulasyon na kumakalat tungkol sa mga baabeng ito.
https://1.bp.blogspot.com/-3M5-LV0Nzfs/Xq3WKkFactI/AAAAAAACMuk/d1CHQKb2EHMb4ikQXFnJFihTqAws59ATQCLcBGAsYHQ/s640/lloydi%2Bwomen.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-3M5-LV0Nzfs/Xq3WKkFactI/AAAAAAACMuk/d1CHQKb2EHMb4ikQXFnJFihTqAws59ATQCLcBGAsYHQ/s72-c/lloydi%2Bwomen.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/05/kilalanin-ang-mga-babaeng-bumihag-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/05/kilalanin-ang-mga-babaeng-bumihag-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy