Kilalanin Ang Lalaking Nagpapasaya Ngayon Sa Buhay Pag-Ibig Ni Dina Bonnevie

Patunay lang na ang istorya ng buhay pag-ibig ni Dina Bonnevie ay nagpapatotoo na kahit ilang beses na mabigo ay darating din ang taong para sayo.


Sa mundo ng pag-ibig masasabing kasama talaga ang masaktan at mabigo. Hindi laging masaya o di kaya naman ay hindi laging happy ending kung minsan. Dahil may mga tao talaga na masasabing pinagtagpo ngunit hindi naman nakatadhana talaga para sa isa’t-isa.

Pero hindi ito dahilan para sumuko at hindi na muling umibig pa dahil ang lahat ng kabiguan na ating pinagdaanan ay nag-iiwan sa atin ng aral. Kung saan ito ay ating magagamit at kinakailangan kapag dumating na talaga yung taong para sa atin.

Katulad na lamang ng istorya ng buhay pag-ibig ni Dina Bonnevie.



Kilala bilang sikat na aktres si Dina at unang itong umiibig  sa kanyang kaparehong artista na si Vic Sotto o mas kilala sa tawag na Bossing. Ang kanilang kwentong pag-iibigan ay sinubaybayan ng maraming tao kabilang na ang kanilang mga tagahanga.

Ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa kasalan  at ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga ng dalawang anak, na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto.


Ngunit sa paglipas ng taon ng kanilang pagsasama ay hindi din nagtagal ang dalawa at sa huli ay nagkahiwalay din ang mga ito.

Sa kanilang paghihiwalay ay natutunan pa rin ni Dina na umiibig at kung saan siya ay kinasal naman muli kay Ricardo Penson, na isang business executive at social activist. Ngunit matapos ang tatlong taong pagsasama ng dalawa ay nagkahiwalay din ang dalawa.


Sa kabila ng mga nangyaring sa buhay pag-ibig ni Dina ay hindi ito sumuko na mahanap ang taong para talaga sakanya. Kaya't hindi nito isinara ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig. 

Sa ngayon ay  masaya ang aktres sa kanyang kapareha na si Deogracias Victor Savellano, na Ilocos Sur Representative at isa sa mga Deputy Speaker ng House of Representatives.



Ayon sa panayam kay Dina Bonnevie sa palabas na "Magandang Buhay", Sila ay nagkakilala ni Deogracias Victor o DV noon magkaroon sila ng shooting sa opisina nito. At simula noon ay halos naging madalas na silang nagkakakita at kung minsan nagkakasama dahil sa pagkakaroon ng ilang mga business project sa lugar ng Ilocos Sur.

Dagdag ni Dina, ay nagpapahiwatig ng interest si Deogracias Victor sakanya, pero ito ay kanyang tinatanggihan. Ngunit sa patuloy na pagpaparamdam at panunuyo ay lumambot din ang puso ng aktres.



Dahil sa matiyaga at walang tigili na panunuyo nito ay napasagot din ni DV ang kilalang aktres na si Dina. Sila ay kinasal noong taong 2012 at ito ay ginanap noon sa Antipolo Regional Trial Court.

Patunay lang na ang istorya ng buhay pag-ibig ni Dina Bonnevie ay nagpapatotoo na kahit ilang beses na mabigo ay darating din ang taong para talaga sa’yo. Kaya sa mga patuloy na naghihintay sa kanilang kapareha, wag magmadali dahil darating din ito sa tamang panahon.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kilalanin Ang Lalaking Nagpapasaya Ngayon Sa Buhay Pag-Ibig Ni Dina Bonnevie
Kilalanin Ang Lalaking Nagpapasaya Ngayon Sa Buhay Pag-Ibig Ni Dina Bonnevie
Patunay lang na ang istorya ng buhay pag-ibig ni Dina Bonnevie ay nagpapatotoo na kahit ilang beses na mabigo ay darating din ang taong para sayo.
https://1.bp.blogspot.com/-LciYSlD2v3U/XsYzWL0U91I/AAAAAAACQ2o/s5sUexDvuXU2xxDxy_oEU0JrgGZr-js3wCK4BGAsYHg/w640-h336/bonnivie%2Bboy.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-LciYSlD2v3U/XsYzWL0U91I/AAAAAAACQ2o/s5sUexDvuXU2xxDxy_oEU0JrgGZr-js3wCK4BGAsYHg/s72-w640-c-h336/bonnivie%2Bboy.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/05/kilalanin-ang-lalaking-nagpapasaya.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/05/kilalanin-ang-lalaking-nagpapasaya.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy