Nagsalita na nga si KC Concepcion tungkol sa kanyang Ina na si Sharon Cuneta kung ano nga ang totoong status nilang mag Ina sa ngayon.
Nagsalita na nga si KC Concepcion tungkol sa kanyang Ina na si Sharon Cuneta kung ano nga ang totoong status nilang mag Ina sa ngayon.
Alam ng karamihan na mayroong hindi mabuting pagkakaunawaan si Megastar Sharon at panganay na anak na si KC sa ilang taong nakalipas.
Inakala ng karamihan na tuluyan ng tinaboy ni Sharon ang kanyang anak dahil nga hindi ito madalas kasama.
Nag-ugat ang pagdududa ng mga tao matapos mag upload si Sharon ng litrato kung saan kasama niya ang kanyang asawa na si Kiko Pangilinan, at and dalawa nitong anak na sina Frankie at Miel Pangalinan.
Sabi pa ng Megastar sa kanyang post, napakaswerte nya daw sa kanyang mga babaeng anak na si Frankie at Miel na dumating sa kanyang buhay.
Isa din sa nagpalala ng kontrobersya ay ang pagdiwang ni Shawie ng kanyang kaarawan sa Asap Natin To kung saan hindi dumalo si KC. Ngunit ayun naman sa aktres ay binati niya naman ang kanyang Ina sa isang private message.
Sa isang interview kay Sharon, sinabi niya na hindi niya na daw alam kung ano ang nangyayari sa buhay ng kanyang anak. Kaya naman halata na mayroon talagang namamagitan na hindi maganda sa dalawa.
Hanggang sa umamin na nga ng tuluyan si KC noong May 23 sa isang video sa YouTube. Nagkaroon siya ng interview kay Tim Yap sa YouTube tungkol sa kanyang personal na buhay at kung ano ang kanyang pinagdadaanan matapos iwan ang showbiz ng ilang taon na.
Sabi pa niya na sa pamamagitan ng pagpapadala ng pagkain sa kanyang Ina ay simbolo na sila ay okay at sensyales ng kanilang pagmamahal sa isat isa.
Ngunit ayun pa sa kanya na fefeel niya na bakit ganun ang pagtrato sa kanyang dahil siya ay bunga kung saan hindi pa handa ang kanyang Ina.
COMMENTS